Sa wakas napanood ko ulit ang bandang ito, kanina lang sa SM southmall, may autograph signing pa, kahit medyo tulala yung mga tao sa audience, ayus pa din.
Ang sarap talaga ng guitar lines ng bugbog sarado, at haneps din yung Freak-out Baby.
Buti nakalusot ako at nakapasok a ko, kelangan kasi dun binili yung cd eh, kaya sinabi ko lang kay manong guard na sa stall ko binili yung copy ko, pero sa totoo, binili ko siya a few days after na ni-release yung album.
Napapirmahan ko rin yung latest album(actually dala ko lahat ng albums nila), kasama yung rare album nila na AND THE WORM JUMPED OVER THE MOON.
Eto siya, with their signatures:
Maraming salamat, sir jugs, kelvin, chino at jazz...sana mapanood ko kayo ulit.