buti ka pa, ayos ang experience mo sa guitarcenter. langya, halos every weekend andun ako, alang kwenta yung customer service nila. gusto kong subukan yung mga strat nila eh naka-hang ba naman sa wall sa taas. yung mga nasa baba eh puro custom ek ek.
isang beses lang ata naging ayos, nung bumili ako ng mic, last weekend. ambilis ng service, tapos nasagot yung mga tanong ko.
siguro makapunta ng michigan at dyan na lang makabili.
ang kagandahan lang eh pwede mong i-soli of papalitan yung gamit mo, pag di mo trip within 30 - 45 days, depende sa instrument or sa saleperson na andun. yun kabanda ko bumili ng electronic drums, yung Roland 6SW-V, tapos after two weeks, sinubukan namin papalitan ng puti yung snare nya, ayus, pumayag, hehehe.