o sya...tayo'y mag kwentuhan!
paano ba ako nagsimula?? nagsimula ako nung kasagsagan ng chicosci, slapshock, greyhoundz. dakilang listener lang ako nun, porma dito porma doon...feeling rocker kumbaga
1st year high school ako nun, narinig ko lang sa chismis na magkakaroon ng battle of the bands..yung friend ko nakipagkewntuhan sa akin, balak nga daw nya sumali kaso ang problema walang drummer at bassist..yung isa pa naming friend nakuha naming bassist..naalala ko nga pala, sa pamilya namin...pinsan ko ang drummer, dad nya ang gitarista, mom ko pianist/guitarist dati. so napag isipan ko na bakit hindi ko subukan na tumugtog? since may mga musikero naman sa pamilya ko..kaming magkakatropa pumunta sa AC office para mag register, aba nga naman! may isang elec. guitar dun, amp, at drumset! nako hindi ko na alam yung brand nun, 5pc. kit sya na may hihat at crash...pagdating namin yung dalawang drummer dun tumutugtog ng "Paris" ng Chicosci...after nun parang naganahan akong tumugtog...i played, and i SUCKED!..nung mismong battle na, we SUCKED too! kami lang yung banda nun na 1st year hs...alala ko pa nun mga tsong, hiyang hiya kami, sa sobrang hiya pinatapos namin yung program bago umalis sa backstage...after nun, pinagplanuhan namin na matuto tumugtog (hindi talaga kami magaling as in! guitarist namin dati nabibilang lang yung natutugtog niya, 3-second lag pag magpapalit ng chord
ako naman, si mr.dug-dug-pak!)..para bang "we'll be back with a vengeance" ba?
doon na nagstart ang interest namin sa music, doon na rin nagstart ang lessons ko kay mr.harugrugrug! dito ko na rin pala nakuha ang drumkit ko (december of '05)..nauna ang lessons ko sa drums kaya napagdaan ko din ang mag air drums at pumalo sa sofa na parang baliw
dahil din dito, napili ako maging drummer sa pep squad, nung 4th year ako na yung nagbubuo ng tutugtugin namin para sa pep squad hehe..
iisang banda lang ang tinugtugan ko nung highschool, yun ay ang Press 2 Play...
laking tulong sa akin nun ah (friends, confidence, fame? di siguro!hindi malaki ulo ko excuse me! ) from a band that "sucked" to a band that "rocked"
champion kami nung 3rd year tapos best drummer ako nun, nung CAT BOTB champion din kami, best bassist at best drummer ulit, 4th year BOTB second kami (nagkaaway-away kami eh..LONG STORY) at best drummer..
eto nako sa kinalalagyan ko, self-teaching, dakilang forumite, modern drummer mag collector, GAS drummer!
alam nyo..nagpapasalamat talaga kay lord dahil binigyan nya ako ng tapang nung mga oras na yon..na nagdulot sa akin ng matinding interes sa pagtugtog.
pasensya na mga tol...sinipag ako mag type!