Medyo lumayo muna tayo sa Rockers rockers na yan.
Anu ba ang definition ng
Poser - Mga nagpapanggap. Usually kasi pag newbie ka sa isang genre, di maalis na tawagin kang poser ng mga beterano, lalo pag wala kang "attitude". Mga taong itinatanggi ang katotohanan na drug-influenced ang rock culture. Kalimitan OA ang mga 'to kung umasta, pero dugyot. Binu-bully ng mga 'to ang mga mas baguhan sa kanila......syempre para magmukhang astig sila sa genre na gusto nilang angkinin.
Bolox - Bollocks- British slang which is equivalent to pinoy slang, betlog. Parang k*pal na din ang ibig sabihin nito. Uso tong term na 'to noong 80's Punk era. Ito ang tawag ng mga punks sa hindi nila ka-uri.Tawag din ito sa mga irrelevant talks na kalimitang nababasa natin dito sa forum.
Jologs- Pang-masa, Eat Bulaga, Wowowee, etc.,...di ako sigurado, bago lang 'to eh, kagaya ng Japorms.
Kurimao - hmmm....diba eto yung ringworm sa singit?
Anu anu nga ba to?
Syempre may idea na ako kung anu-anu ang mga yan. Pero anu ba yung sa inyo.?
Ang pagiging rocker ay nasa puso. Wala sa damit, sapatos, hikaw, tattoo, o kung anu-anong pamporma. Kung sumusuporta ka sa mga musikerong tumutugtog ng rock, ang pagbili ng orihinal (hindi pirated) na CDs, at pag attend ng mga konsyerto ay ilan lang sa mga paraan para patunayan na nasa puso mo ang rock.