hulika

Author Topic: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?  (Read 13510 times)

Offline benj_keys

  • Netizen Level
  • **
Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« on: August 04, 2007, 10:52:14 PM »
Bakit sa ibang bansa ang ganda ng sistema ng mga music store. Halos lahat ng napasok ko na music store doon eh at home ang feeling yung di ka ma-iilang kumilos. Samantalang d2 parang may shot gun na nakatutok sayo na parang ayaw pahawakan. Tapos pag mag tatanong ka ang tingin sayo kakaiba kulang na lang sabihin nila na "Bibili ka ba?" Di ko naman nilalahat pero sa experience ko halos lahat, Gusto ko lang ma kwento ito sa sobrang badtrip ko. Actually 2 particular branch ng perfect pitch ang napasyalan ko na nawala ang gana kong bumili. Yung una kong napasyalan last 2 months pa yun eh mag canvas lang ako talaga ng module kasi nanakaw ung XV5080 ko kaya kukuha ako kapalit, maybe some of you nabasa ung post ko dati d2 about dun sa stolen XV5080, sad to say wala na talagang pag asa mahanap, anyway to continue. Nagtanong ako about tritonrack, so ask ko ung clerk kung magkano na d2 ung tritonrack, tapos parang tinatamad, kala kasi nya mamburaot lang ako at di talaga bibili. So binigay nya ung price sabay tinanong ako kung kunin ko na ba? pero that time di ko pa hawak ang cash kaya sinabi ko nag canvas lng muna ako ng mga module, tapos parang sumimangot. Nag iisip kasi ako kung xv5080 uli o triton rack pero eventually bibilihin ko talaga dahil kailangan ko sa mga project ko bitin kasi ako sa softsynth lng simula ng manakaw yung XV ko. Then gusto ko sana testingin ung display unit nila kasi gusto ko lang sana ma compare ung sound quality if parehong pareho nung sound ng triton keyboard. Kaso nung tinanong ko if pede testingin ang dami nyang dahilan so dineretso ko na lang sya sabi ko sige kung di pede testingin ok lang tapos umalis na lang ako. Then last sunday balak ko na kumuha sana pero di ako pumunta dun sa unang tinanungan ko na branch kasi nga badtrip ako maraming dahilan di pa ma diretso na ayaw nila mag pa testing kesyo daw may ganyan, may ganito, may... Haaayyy ewan ko ba.  So ayun last sunday balak ko na umiscore ng module so pumunta ako sa cubao branch na lang, (Imagine this) habang papalapit ako sa store nila napansin ko na ung clerk nag gigitara nakaupo sya sa bandang entrance at sa harap nya is yung cashier booth so pag pasok ko tatanungin ko sana ung tao sa cashier kung magkano na ung module at kung makaka hingi ng discount pag cash. Pero di ko muna tinanong kasi may kausap sya sa phone so ginawa ko diretso muna ako sa loob mag tingin tingin ng instrumento, tapos ung isang keyboard dun yung triton studio nilang naka display nadatnan ko naka on so ginawa ko tumipa ako pero hininaan ko lng ung volume kasi alam ko nga may kausap sa phone ung nasa booth. Tapos napansin ko ung clerk nila nasa tabi ko na sabay sabi ba naman sa akin, "Sir di po pede eh" sabi ko kahit mahina lang? tapos sabi nya "Sir di po talaga pede kasi may KAUSAP DAW SA PHONE". Tama ba naman un sabihan nya ako ng di pede ung ginagawa ko na kahit mahina lang kasi MAY KAUSAP SA PHONE yung nasa booth? eh natatandaan ko nung pumasok ako eh sa entrance pa lng nag gigitara sya at sa harap pa ng booth naka pwesto ung amp habang may KAUSAP SA PHONE ung manager yata nila o cashier dun, tapos ako customer dun sisitahin nya ng ganun? Kayo ano sa tingin nyo? Badtrip ako kaya na T.O. tuloy ako bumili.
Kaya eto tanong ko lang sa mga staff ng music stores na may mga ganitong attitude, gusto nyo bang maka benta? Kasi parang ayaw nyo mahahawakan ung mga Display units nyo. Ang mahal na nga ng benta d2 sa atin ganyan pa ang attitude ng karamihan sa mga clerk.
Kaya imbis na bumili eh na T.O. ng bumili. Alam ko marami din sa inyo ang naka experience ng pag ka bwiset sa mga ganitong sistema. Hay naku talaga MISMO TALAGA. hehehe

Offline MikEh

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #1 on: August 06, 2007, 08:59:56 PM »
wow... nahilo ako dun ah... separate mo into paragraphs dude para di masyado masakit sa mata. hehehe.

di ka nag iisa. hehe. madami na din ditong bwiset na bwiset sa mga music stores, lalo na perfect pitch. yung iba naman sa lazer dahil crooks sila (mas mahal ang benta)

di na nga ako masyadong pumupunta sa music stores eh... tumitingin nalang ako sa classifieds dito, makaka mura ka pa. hehe.

Offline jaythegame

  • Veteran Member
  • ****
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #2 on: August 09, 2007, 04:23:41 AM »
pero naexperience ko sa PP ali mall yung sobrang lupet ng clerk, hindi na niya alam kung anong bibigay niya sayo.. bilib ako sa clerk na si mark dun, sobrang humble.. :-D i always forget to tell him na more power to him kasi sobrang bait.. :-D
geeesh

Offline zxildjian

  • Regular Member
  • ***
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #3 on: August 10, 2007, 12:12:27 AM »
well,well,well!!!tlgang ganyan experience ko rin yan bro!actually nagkaron ako last week ng korg x50,(nabenta na)napadaan ako sa raon at me isang store dun na may display ng x50,so pasok ako "ask ko lng po kung mgkano korg x50 nyo?"sabay sagot ng "sabihin ko nlng sau pti discount kung ku2nin mo!"!!!!!kung di nga lng pangit mging mayabang eh di binato ko na ng credit card ung bwisit na un!...may galang nmn ang tanong ko!...
pag me tugtog,,...may yugyog!!!!khit tulog!

pwede kaplog!

Offline DarkHorse

  • Senior Member
  • ***
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #4 on: August 10, 2007, 03:24:25 PM »
GANYN DN AKO MGA BRO...SA RAON,,WHEN I BOUGHT AN IBANEZ ACOUSTIC GUITAR...SBI K "PTINGIN NGA NUN?"..KC NKSBIT SA TAAS...SBI B NMN SKIN.."KUKUNIN NYO BA SIR?"..ABAY p&*%^$$!! ALANGA NAMANG KUNIN KO NA NG HINDI KO PA NASASALAT MAN LANG??!! KAINIS!! KYA WLNG ASENSO E!!
BE A DEMON HUNTER!



Offline drummer_boy17

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #5 on: August 11, 2007, 10:04:29 AM »
problema lang sa mga  music stores.. ang mamahal!.. pra din yang mga pirated cds's ndi lhat ng tao kayang bilhin ang mga orig na cds.. kya hlos lhat ng pinoy dumidepende sa mga pirated products kci mura at makaka tipid
FLY FAST PHOTOGRAPHY: Click Here


Offline roryrockerchic

  • Senior Member
  • ***
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #6 on: August 14, 2007, 02:25:21 AM »
They are not customer friendly, yan din complain ko. Mawawalan sila ng potential buyers  kung ganyan lagi ugali nila. At yung tanong nila na "bibilhin mo ba?" grrr.. obvious ba kaya nga nagtatanong eh!!

Offline zxildjian

  • Regular Member
  • ***
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #7 on: August 15, 2007, 04:02:30 PM »
tama!punta nlng kau d2 negotiable pa!
pag me tugtog,,...may yugyog!!!!khit tulog!

pwede kaplog!

Offline rednef

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #8 on: August 17, 2007, 07:28:12 PM »
hindi siguro alam ng management yang mga kups.. na salesclerk. nakakasira ng reputasyon ng music store.  8-)

Offline insultedgamer

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #9 on: August 17, 2007, 07:50:20 PM »
Kasi yung mga nagtratrabaho sa music store, di rin mahilig sa music.

Nung naghahanap nga ako ng Rise Against na album. Sabi sa'kin wala kami ng mga bagong banda.   :x :-P :oops: :cry:
Please be active at Pinoy Music Fan Forums. :)

Offline coolvoice

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #10 on: August 18, 2007, 10:21:09 AM »
mahirap nga kapag ganyan... nakakatamad bilhan...

Offline Edward

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #11 on: August 18, 2007, 07:36:02 PM »
Natandaan ko nung pumunta ako ng Perfect Pitch (Park Square Makati tsaka SM Southmall), titingin ako ng mga gitara tsaka ng Boss pedals, para pag nakaipon ako alam ko na kung ano bibilin ko.

Aba eh pagkapasok ko tapos lumapit ako sa mga gitara, biglang lumapit lang yung isang clerk para lang sabihin "sir may bibilin ka?", nung sinabi ko na tumitingin lang ako, aba di na ko pinansin.  :roll:
夢見

Offline igor_0709

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #12 on: August 25, 2007, 07:59:00 PM »


 tama kau jan, mron mga music store sten na pag pumasok ka nkakailang magtanong. na exprience ko rin yan,
 mron din naman maaayos kausap. yung PP sa sm fairview, sayang wala na kse. ok dun

Offline bhenard

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #13 on: August 28, 2007, 12:49:33 PM »
nakaka bad trip tlga pg ganyan!ung iba nmn titingin ka lng nakasunod agad...nakakailang tuloy
pag me gusto ka nmn itanong pwede nmn clng tawagin.... :evil:
Roland,...Korg,...or Yamaha?
Need Digital Pianos/Organs/Keyboards?..0949-8708-620
Yamaha S90es,Kawai KS1 acoustic piano. Yamaha Baby grand.Roland FA06 Synth. Yamaha CVP-307 digital piano.Yamaha KA20 kbord amp.Roland HD-1 v-drums lite

nO RLY

  • Guest
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #14 on: August 28, 2007, 06:02:33 PM »
sa mga cd stores, madalas di nila alam yung mga cds na binabanggit mo. kaya madalas ako nalang naghahanap ng cds para sa sarili ko.. :|

Offline bhenard

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #15 on: August 30, 2007, 08:57:47 AM »
ganun!!wala bang briefing ang mga salesladies/man dun...ano klase music store yan?
Roland,...Korg,...or Yamaha?
Need Digital Pianos/Organs/Keyboards?..0949-8708-620
Yamaha S90es,Kawai KS1 acoustic piano. Yamaha Baby grand.Roland FA06 Synth. Yamaha CVP-307 digital piano.Yamaha KA20 kbord amp.Roland HD-1 v-drums lite

Offline MikEh

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #16 on: September 04, 2007, 08:32:07 PM »
hehhe.

di na kelangan iseminar ang respeto... diba turo na yan mula bata?

Offline kimboy

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #17 on: September 05, 2007, 10:15:11 PM »
hehe.. eto nman pansin ko.. iba iba ata talaga sila.. meron yung nakasunod agad sayo.. sila nga yung nkakailang.. hehe

mron nman mega titig.. naalala ko dito yung kalbo sa pp-mega nasa main na ata siya ngyon. grabe yun.

yung nka smile ok.. kadalasan yung may mga posisyon.

at yung wala talaga pakialam.. hehe thx :) peace!

Offline jasonsteele99

  • Regular Member
  • ***
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #18 on: September 06, 2007, 11:13:02 AM »
Ganyan talaga, grabe kasi mag discriminate . Kung pupunta ka ng di maayos ang damit akala yata di ka bibili. Baka gusto nila naka pang opisina ka pa para malaman nilang may pera ka.  :?

Offline stilljey

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #19 on: September 06, 2007, 01:13:47 PM »
extreme prejudice na yun, pwede silang ireklamo sa Consumer Watch, ewan ko lang if existing pa up to now ito.

leofelismino

  • Guest
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #20 on: September 10, 2007, 07:12:28 PM »
yeah lahat naman nakakaexperience ng ganun....

but i guess the nicest clerks or ung mga salespersons eh ung mga musicians mismo....

dont deny that fact guys... kaya tip ko lang pag titingin kayo magtanong kayo sa tingin niyo ay musikero... mas understanding at maraming alam regarding musical instruments... wag lang kayo papabola.. ung iba kasi bobolahin ka at sasabihin na sir maganda yan.....

kahit na feel ko eh hindi... lakas ng feed back at tunog lata.

may tatak na ung gtarang un ha....hehe.

cge mga bro... teka mga bro tips naman sa gitara... ano ung mgandang pang punk na machug chug....? thanks!

Offline bhenard

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #21 on: September 11, 2007, 09:12:08 AM »
Alam ko na!

pag binalahura ka,sabihin mo nagbago na isip mo.

ang bibilhin ko na ung mismong store nyo kasama ka!!!!
Roland,...Korg,...or Yamaha?
Need Digital Pianos/Organs/Keyboards?..0949-8708-620
Yamaha S90es,Kawai KS1 acoustic piano. Yamaha Baby grand.Roland FA06 Synth. Yamaha CVP-307 digital piano.Yamaha KA20 kbord amp.Roland HD-1 v-drums lite

Offline raymondhernandez

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #22 on: November 23, 2007, 11:15:38 AM »
Ganyan din naranasan ko dati. Bibili naman talaga ako pero ayaw patest. Pwede ba yun? Akala mo candy lang ang bibilhin mo. Yung sa kung sa musikero dapat ang nagtitinda, para sa akin, hindi sa lahat ng pagkakataon. Yung iba kasi puro yabang.Yayabangan ka pa na ang husay nila kahit minsan trying hard naman. Nasa kultura na nila yan. Pangit ang customer service. Laging praning. Akala mo laging mananakawan o kaya masisira yung mga gamit nila.

Pag tumama ako sa lotto, magbubukas ako ng sarili kong music store!!!!

Offline solracnoj

  • Senior Member
  • ***
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #23 on: December 08, 2007, 03:17:06 AM »
mismo!  mismo!  mismo!  mismo  mismo!  mismo! mismo!  mismo!   haaay! ang mga music stores nga naman....

Offline gardodo versuso

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Bakit ba may mga Music store d2 sa atin na nakaka BADTRIP?
« Reply #24 on: December 08, 2007, 04:17:55 AM »
punta kayo dun audiophile sa robinson's pioneer sa boni, inayos na yung action nung gitara ko, pina sample pa sakin yung mga effects! nakalimutan ko yung panglan nung employee na yun, pero tagal ko sya naka usap , drummer sya... nagsawa ako dun pinagamit Ako ng ibanez, peavey na amp tsaka kung ano anong stomp box walang naki alm o nambastos sakin!!
something is out there