Pumasok ako sa isang second hand shop. Naghahanap ako ng tools na mura. Nung mapansin ko ung drums, syiempre lapit ako. Mumurahing drums, Basix drum set. Pero nagtaka ako ng makita ko na 10 lugs at die cast hoops. Tiningnan ko at nagulat na Ludwig Supraphonic ang snare.
Sabi ko, ok to, LM400 at 9.9k kasama complete drumset. Pero dahil walang pera, naisip ko kung pwedeng snare na lang baka bigay ng mas mura. Sabi ng nagtitinda hindi pwede, dapat lahat sila. Umuwi akong luhaan. Kasi dati na akong may LM400, binenta ko at sayang dahil sya isa sa pinaka gusto kong tunog bukod sa Yamaha 9000 Birch ko.
Isip isip ako, since mura na un, nag bakasakali ako after 2 weeks, andun pa sya. Nag tanong ako ulit. This time kung may tawad pa ba ung 9.9k. E ayaw nila magbigay ng presyo, bigay ko daw presyo ko. So sabi ko 6.6K, punta sya sa manager, bumalik, 7.5. Napaisip ako, sabi, may mga kulang sa drumset, nawawala kasi hihat clutch. So 6.6 na lang, aba pumayag, yehey!
Sabi snare lang muna iuuwi ko kasi di kasya sa sasakyan. Aba laking gulat ko sa snare. Sabi ko parang mas mbigat kaysa dati. Yun pala dahil LM402 sya, 6.5x14, lalong yehey!
Pagbalik ko ng kukunin ko ung iba pang set, nagulat ako na Ludwig Speed king pala pedal. Naging triple yehey.
Although beaten up ang skin, medyo ok pa rin kasi tama number of lugs. 6 lugs sa 12/13 toms 8 lugs sa Floor tom at Bass.
Ito sila.