tama na ang away, may kanya kanya tayong mga opinions, kaya respeto na lang sa isa't-isa.
@firemodel55 and others - go easy with the comments, nasa forum po tayo, mahirap magkaintindihan po dito nang ganun lang, kasi mga naka-type po ang mga salita, mahirap i-judge yung tono ng mga sinasabi nyo. para wala nang away, mag-set kayo ng araw, magkita-kita yung mga nagpaggawa kay mang max at kayo, tapos dun kayo magpalitan ng mga opinion nyo. it's all about respect and c'mon, peace na tayong lahat.
dagdag ko na rin, nagkita kami ni deadlifted last night by coincidence and i was able to try his guitar.
sarap gamitin, hindi ganun kabigat as i've expected.
concerning sa pagkakagawa, pulido talaga yung pagkakatrabaho, tiningnan ko ng mabuti yung construction. walang exaggeration to mga friends, pero blown away talaga ako sa pagkakagawa, warm sounding din yung tunog, solb na solb talaga.
thanks to sir deadlifted for letting me try his guitar.
sa mga gustong kumontra, tanong o opinion na gustong sabihin sa akin, pm nyo na nalang ako.
PS: kalma lang tayong lahat.