as the deer? astig un... ako kase kaka start ko pa lang mag song lead, drummer/bassist ako talaga sa church, e naubusan n ng worship leaders, kaya un..kaya ko nga naisipan tong thread na to e, para makahingi ng inputs nyo... personally gusto ko ung sa skillet, ung ardent worship na album, maganda renditions nila e. fave song pa din ang shout to the lord tsaka amazing grace..
Hey bro. ngayon ko lang napansin tong thread na to ah.
anyways, dapat maging concerned ka din kung nauubusan na kayo ng members (worship leader man or musician). Mejo mahaba-habang explanation to pero I know it's worth it.
Most of us members of our respective church worship teams are easily overwhelmed with how our team becomes better in many aspects in the ministry. So overwhelemed that we tend to stick to what we have and what we know as we become better. Meaning, ayaw natin madagdagan, ayaw na din natin mag-explore. ayaw magdagdag ng baguhang musician, ayaw mag-explore ng bagong type of worship music -- panay hillsong na lang (minsan, hindi nga hillsong pero hindi naman pang-collective worship -- pang-concert or studio recording so nagtaasan kilay ng elders tapos we'd say "hmm.. wala sila sa uso.."). Ganyan kadalasn mga p&w team. Minsan (minsan lang ha), masyado na tayo naging "magaling".
Saan kadalasan to humahantong? read on...
Well, nag-asawa si gitarista. Kelangan magtrabaho. excuse muna ng konti sa team tapos pag nagtagal, wala na talaga. Sinalo ni bahista si gitarista. Ayan meron naman mejo marunong mag-bass eh. Ay! Mahina si bahista2. acoustic na lang muna. Ayun, acoustic nga. Nanamlay si drummer. tugtog sa banda sa labas -- gumaling, alis na sa ministry. Naiwan si bahista. nagsawa na sa paulit-ulit na kanta. tamad din sa cifrahan. Si P&W leader mejo nawalan na rin ng gana. minsan na lang kumakanta. wala bang new song? sabi ni bahista, wag na muna bagong song, wala naman ibang musicican -- sya lang... si bahista nagpapahaba na ng buhok. nanghihina na spiritually... di sya makaalis, pano naman kasi nakiusap si pastor na i-sustain ang team -- sya lang mag-isa. naaalala pa rin ni bahista ang "good times" ng music team nya nung araw. Those were the happy days. pano na ngayon? iniwan na sya eh. tamad na tamad na si bahista, nahihiya lang kay pastor.
Familiar story? Oo naman diba? Siguro sa iba, ang nasa martyr role ay ang drummer or guitarist or keyboardist... pero almost the same story diba?
Why is this happening?
Ayoko nang pahabain pa masyado...
As early as now we should start mentoring young aspiring musicians. Spend time with them even if most of these times they tend to change interests -- they're kids anyway.
Dapat hindi tayo papayag na nakikita mong pag wala ka, mapapa-paralyze ang team. Dapat may tagapagmana ng ministry mo. Ganito rin sa worship leaders. dapat we're stepping out from our comfort zone. Spend some time teaching the church ministry heirs -- the people younger than you!
Usual start ng ministry... Lord, gusto ko pong kumanta -- sinagot ni Lord kasi naiintindihan Nya. Lord, gusto kong mag-lead ng worship -- sinagot ulit ni Lord kasi naiintindihan Nya. Lord, gusto ko din po magkatrabaho -- sinagot ni Lord kasi naiintindihan Nya. Lord, busy ako sa work ngayon so di muna ako makakapag-serve -- naiintindihan mo naman Lord diba?
naiintindihan mo ba si Lord?
O ayan, wala pa tayo sa spirituality nyan ha. maintenance pa lang ng team yan. di pa kasali jan how we should lead worship. gusto ko lang i-share to kasi I believe that the entire music team is the worhip leader. hindi lang yan singer.
Hanggang sa susunod! God bless!