Napakinggan ko na yung bagong album nila sa IMEEM kagabi.
Buhay pa ang Rivermaya mga kapatid. Although yung mga songs na ginawa ni Jayson halatang may kababawan yung tema, kaya dinaan nalang nila sa musicality.
Ok yung album nila. Parang maitutulad ko to sa "It's Not Easy Being Green" album nila noon. Yun kasi yung mga hard times ng Rivermaya pero they still manage to go on.
Ang masasabi ko lang ke Jayson, magsimula na siya mag-explore ng iba't-ibang musical influence para makahabol na siya.
Kumbaga sa school eh Freshman pa lang sya at yung tatlo eh mga Seniors na.
Unconventional yung arrangements ng ibang mga kanta. Patunay lang na Rivermaya's still in the game.
Nowadays, Rivermaya's not about Mr. Rico Blanco anymore, it's about 4 individuals (1 rookie and 4 veterans) who still manage to keep the flame alive.