actually okay nga yang posible mag special order e. sobrang frustrating yung isang big time music store kasi unang una di alam ng mga tao nila yung binebenta nila, tapos pangalawa eh di pa sila willing magspecial order. kung wala daw sa next shipment, wala talaga period. tas masama pa eh nagiwan ako ng contact info para magpasabi sana kung andun na yung new products para may first pick of the bunch sana ako... tapos walang nangyari. nung bumisita na lang ako dun nung isang linggo, iba na ang nakadisplay at matagal na daw ganun. hay nako. inflexible na nga, talo pa sa customer service.
meron din namang iba pa akong naranasan, kaya daw magspecial order kaso nung humingi na ako ng quotation eh siyam siyam na ang inabot. ilang buwan din yun na kada linggo ako nagfollow up, kaso wala namang nangyayari. okay na sana sa simula e, nabitin lang sa follow through. tapos sa paghingi pa lang ng presyo yun ah. pano pa kaya kung nagorder na ako mismo at nagdownpayment na? di ba sobrang nakakabitin naman yun?
sa kabilang dako naman, meron din ako magandang experience sa ganyan. sa ngayon eh may special order ako na snare, parating na next month. astig din yung feeling na yun talaga yung equipment na swak para sa yo at di ka lang nagpapadikta sa kung ano ang in stock sa tindahan. tapos okay pa kasi inasikaso agad order ko at napa-aga pa nga yung dating.
buti na lang ang JB, kahit sila na ang top of the heap e willing pa rin sila maging flexible para sa customers nila *thumbs up*
kaso sana andun din yung follow through at pagbantay sa pangangailangan ng buyer.
sorry napahaba hehe gusto ko ng VLX! (para on topic naman wahahah)