5310 gamit ko ngaun. Galing ako ng 6630, nung nagpalit ako last december.
Masasabi ko lang, nami-miss ko yung camera nung 6630 (almost same features nito yung mga unang N-series). Kahit 1.3mp yun, mas swabe pa rin yung quality kesa sa 2mp ng 5310. Yung camera ng 5310, choppy yung scrolling tsaka zoom. Yun lang reklamo ko sa kanya. No problems naman like overheating or biglang reset. Yung camera lang yung badtrip. Tsaka hindi sya 3G like 6630 (I don't use that feature anyway).
What I like about it.. First of all, the looks. Sexy eh. Then, galing ng music player nya, sulit. Lahat ata ng formats, playable (mp3, aac, wav, wma).. kaya di na kelangan nung mga converter. Yung earphones nya, conventional size, 1/8" stereo mini-jack, unlike yung dedicated earphones for 6630, na mahirap bagayan at palitan.
Tska yung emoticons. Hehehe natuwa ako, kasi yung mga ka-text ko, meron din, kaya panay gamit namin ng smileys.