Kakadating lang ng mi pistons v2.1 ko from lazada. Bilis lang ng delivery nila. From cavite ako tapos 1 and a half day lang andito agad hehehe. Ewan ko, pero parang kapos yung bass? Compared sa soundmagic pl-11 na meron yung kapatid ko, mas ramdam yung bass sa pl-11. Saka naalala ko yung a4 tech na mk series na mura pero sirain, parang mas pronounced pa yung lows dun. Pinalitpalit ko na yung buds, wala pa rin. Ewan ko bakit ganun, pero other than that, linis ng tunog nito. May mga hindi ako naririnig na riff, nuances at second voice atbp sa mga kanta, ngayon rinig na. Panalo din ang build, design at aesthetics.
Sent from my MyPhone Agua Rio using Tapatalk