hulika

Author Topic: Photographer ka, may dala kang camera, may naganap na aksidente sa harap mo....  (Read 6099 times)

Offline jun_BALARAW

  • Philmusicus Addictus
  • *****
ano ang una mong gagawin? kukunan o muna ng letrato o tutulungan mo?

last year kasi may nakita kaming aksidente. tumaob na truck pero malayo samin. eh sakto may mga 2-3 photographers na andun. kuha lang sila ng kuha ng letrato. nakaka ilang minuto na hindi pa nila tinutulungan yung naaksidente...

isipin kaya nila kung sila ang naaksidente at nasa loob ng tumaob ng truck.. gusto kaya nilang kunan lang sila ng letrato?

wala lang na share ko lang po....
PEACE.... PEACE.... PEACE.... PEACE....

Offline masarapangtaho

  • Philmusicus Addictus
  • *****
depende sa situation nung biktima at kung kami lang ba ang andun sa lugar na yun.. kung kami lang, tutulungan ko agad, baka mabuhay pa.. kung hinde, siguro naman tutulungan siya nung iba pang andun.. so yung pagtulong nila, yun ang kukuhanan ko.. kung patay na yung biktima... ibang usapan na yun..

Offline hindi_ako_si_sid

  • Senior Member
  • ***
isa itong magandang opportunity hindi para makakuha ng shot, kundi para makatulong sa kapwa. uunahin mo pa bang kuhanan ung naaksidente kaysa tumulong.. Diyos ko po.

pero pag may umaalalay na.. just like what mr. taho said, yung pagtulong ang kukuhanan mo. nakatulong ka pa rin sa kapwa dahil nakuhanan mo ang moment na yun na may pinoy na nagmamalasakit sa kapwa pinoy.

naasar ako dun sa mga photographers na kinuwento mo sir jun. hindi sila karapat dapat na tawaging photographers. mga ushyuserong mayayabang ang mga yun.. grrrr.. sarap basagin ng mga lente nila.. (warfreak? haha)

Offline jun_BALARAW

  • Philmusicus Addictus
  • *****
naasar ako dun sa mga photographers na kinuwento mo sir jun. hindi sila karapat dapat na tawaging photographers. mga ushyuserong mayayabang ang mga yun.. grrrr.. sarap basagin ng mga lente nila.. (warfreak? haha)
oo nga.. basta sobra hindi ko maimagine kung ako ang nasa loob nung truck at sumisigaw ng saklolo tapos puro flash lang ng camera ang sagot sayo hehehe...
PEACE.... PEACE.... PEACE.... PEACE....

Offline xavier

  • Philmusicus Addictus
  • *****
may kwento na dito diba? yung nagpakamatay na photographer dahil nagsisisi siya at hindi nya natulungan yung nung nasa africa siya?

Offline jun_BALARAW

  • Philmusicus Addictus
  • *****
may kwento na dito diba? yung nagpakamatay na photographer dahil nagsisisi siya at hindi nya natulungan yung nung nasa africa siya?
ows? grabe naman..... baka napapanaginipan niya palagi yung namatay or laging nagpaparamdam...
PEACE.... PEACE.... PEACE.... PEACE....

Offline rennell

  • Philmusicus Addictus
  • *****
may kwento na dito diba? yung nagpakamatay na photographer dahil nagsisisi siya at hindi nya natulungan yung nung nasa africa siya?

ito ung picture...Kevin Carter ung name nung photographer

Offline jun_BALARAW

  • Philmusicus Addictus
  • *****
aw!^^^

so hilig sabihin hinayaan niyang kainin ng uwak yang batang yan? tapos kinukunan lang niya?
PEACE.... PEACE.... PEACE.... PEACE....

Offline Jayson77

  • Veteran Member
  • ****
aw!^^^

so hilig sabihin hinayaan niyang kainin ng uwak yang batang yan? tapos kinukunan lang niya?
Hindi nya po pinabayaan, nandun naman kasi yung family ng batang yan kaya hindi nya ginalaw.
J&J Virgo Sales Corp. Silkscreen Printing Inks and Supplies

Offline tejadster

  • Philmusicus Addictus
  • *****
aw!^^^

so hilig sabihin hinayaan niyang kainin ng uwak yang batang yan? tapos kinukunan lang niya?
it's a vulture
parang may rule kase na a photographer should not touch or parang pakielaman yung kinukuhanan nya..

Offline jun_BALARAW

  • Philmusicus Addictus
  • *****
it's a vulture
parang may rule kase na a photographer should not touch or parang pakielaman yung kinukuhanan nya..
ganun ba yun? kahit ikamamatay pa nung tao?

kung totoo nga yan. kaya pala hindi tumulong yung mga photographer dun sa kinuwento ko....
PEACE.... PEACE.... PEACE.... PEACE....

Offline your_guy

  • Forum Fanatic
  • ****
posible rin na takot din sila dahil wala silang alam sa first aid or something like that. 

kase kung ako man, may camera o wala, diko rin siguro alam ang gagawin ko dun, lalo na kung ganun ka grabe.  Kase baka kahit sa kagustuhan kong tumulong e mapasama pa.  Ganun daw ung nangyari ke Lino Brocka e kwento samen nung nag administrate samen nung college about first aid.  Dipa raw patay si Lino Brocka on the spot, kaso maraming nag tangkang hilahin xa sa kotse nya which resulted more damge to his injured body.  So ayun lng nmn.  Di rin kase madale mag save ng buhay.  Kung ako nasa pagkakataong ganun, I'd rather call for help and try to see if there are other things I can do to help.  Then take pictures afterwards

peace

Offline MikEh

  • Philmusicus Addictus
  • *****
yeah, call for help nalang kung di ka talaga sigurado.

eh nakakabad trip nga naman talaga yung kinwento ni sir jun. puro picture, di man lang ba tumawag ng kahit sino?

itchybrain

  • Guest
it's a vulture
parang may rule kase na a photographer should not touch or parang pakielaman yung kinukuhanan nya..

It's not actually a rule. It's called a MORAL ISSUE. It's a question of "to do or not to do." It's just a yes or no. A black or a white. No shades of gray. Sadly, It's rhetorical.

This is what all photographers take inside their souls, if not their heart and mind. Imagine photo-journalists amidst war. How can one think of his or her safety when you are surrounded by immeasurable pain and suffering? Are they apathetic? Are they numb? I don't know. We won't ever know, I guess.

Am I a photographer? Yes. I just couldn't do what my photo-journalist friends do. So I've chosen food photography instead. Why? Maybe I just want to bring joy. As simple as that. Or maybe I'm just too weak. I don't know. Life is filled with wonderful remembrance of joy and love and freedom; of childhood. For me, to take a snapshot of horror and suffering is way too much for life's fleeting memories.

So, to the threadstarter, only you can answer your question.

Offline tejadster

  • Philmusicus Addictus
  • *****
napanood ko kanina sa tv patrol

yung sumabog na factory sa dubai
may pinoy kumuha sya ng picture habang nasa kotse sya
tpos yun yung na post sa front page ng isa dyaryo sa dubai

oo nga... dito kasi makakakuha ka ng reward pag nakakuha ka ng mga ganyang shots.
PEACE.... PEACE.... PEACE.... PEACE....

Offline tejadster

  • Philmusicus Addictus
  • *****
oo nga... dito kasi makakakuha ka ng reward pag nakakuha ka ng mga ganyang shots.
sa gulfnews ata naka post yung post

Offline jun_BALARAW

  • Philmusicus Addictus
  • *****
sa gulfnews ata naka post yung post
oo yata.... kaya ang dami ding na eengganyo sa photography dito.. like me hehehe..

im planning to buy Nikon D80 this month.. sana mabili ko..
PEACE.... PEACE.... PEACE.... PEACE....

Offline badongrodrigs

  • Philmusicus Addictus
  • *****
it's a vulture
parang may rule kase na a photographer should not touch or parang pakielaman yung kinukuhanan nya..

that applies if you're a tourist; i don't think it applies in a life/death situation. not to me, anyway.

Offline dequi09

  • Veteran Member
  • ****
I had one experience (wala pa ko DSLR nun) nung college ako sa may dating Jai Alai building sa Taft Ave, may humihingi ng tulong, sinaksak sya ng mga iskwater dun sa loob ng abandoned Jai Alai building.. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko din natulungan kasi natakot ako nung time na yun, saka marami ding nakakita at may dumating na din na isang pulis (na hindi din alam ang gagawin, nagtanong pa kung sino ang sumaksak sa tao)..

Kung may DSLR na ko nung time na yun, di ko pa din kukuhanan, baka malagay sa panganinb ang buhay ko..
"Whatever your hand finds to do, do it with all your might. For in the grave, where you are going, there is neither working, nor planning, nor knowledge, nor wisdom"  - Ecclesiastes 9:10

Offline lmvf012

  • Regular Member
  • ***

ito ung picture...Kevin Carter ung name nung photographer

interesting ung story na un.  :mrgreen:
My faith is stronger than your doubt.

Offline robyhenson

+1