Ayos to nakarelate nanaman ako!
Dati akong music student, nagshift na ko sa nursing. 2nd year ko na ngayon sa nursing at naka-apat na taon naman ako sa music bago ako mag shift. Time management. Mahirap talaga lalo na kung regular student ng nursing, puro aral, aral, aral, aral at mawawalan talaga ng oras sa drums. Kumusta naman ngayon sir Cymor? Graduate ka na siguro at malamang nakakapagpractice na ng malaya at walang kaagaw. hehe
Ako sir share ko lang, sobra akong nakarelate e.hehe...3 days duty ko tas 8 hours, other 3 days naman pag regular classes. Talagang naghahanap ako ng paraan para makapagensayo. Tulad ng uuwi ng maaga pag uwian na(hehe.mahal na mahal ko kit ko e
) pagtapos ng regular class, air drumming, singing the rhythm in my mind, dame pa. Palagay ko talagang time management ito. Ika nga e "pag gusto maraming paraan". Tsaka sang ayon ako dun sa "treat your kit like your gf"
Sarap ng pakiramdam, lalo na pag inasawa mo pa
problema rin yung ingay ng pageensayo, buti na lang may Vic Firth practice pads
Mga ser na nauna ng magcomment dito sa thread na to, years had passed. Baka may improvement at may bago kayong mashe-share na experiences tungkol sa munting problema na to. Share naman. Update
Happy drumming!