Ako naman, sobrang nirerespeto ko yung mga UNDERRATED na mga banda tulad ng The Pin-Up Girls, The Camerawalls, Bagetsafonik, Ciudad, Boldstar, Marty McFly etc.
I think these bands really deserve the spotlight. Sa wakas naging cover din ng PULP ang The Pin-Up Girls... They really represent indie bands like us.... "We don't do it for the Money"
Gusto ko panoorin mga gigs nila kasi inaangat nila yung "listening standards" nating mga Pinoy.
Kaya para sa mga members dito na medyo "nagsasawa" na sa tunog ng mga banda sa mainstream, please do check out these bands. At sana magustuhan nyo rin sila.
PS: Dati, pinangarap ko rin na sumikat yung banda namin someday.... Pero sa nakikita ko ngayon sa Indie Scene naten, mas gugustuhin na lang namin na makuha yung respect ng mga kapwa banda namin kesa "Sumikat".