umm... bawal sa usok ng sigarilyo, sa amoy ng pintura(nung last time na nagpintura ako, ayun, sinugod ako agad sa ospital), tumakbo lang ng konti o kaya pag masyadong mabilis ang pagkilos mo, hingal agad, kapag may hika, may claustrophobia din...
pag naman sinumpong na ako ng hika, konting lakad lang, akala mo mamamatay na ako kasi talagang naghahabol ako ng hininga, hirap akong tumayo, para akong kuba pero kapag sinumpong na ako ng hika, ang kulit ko tumawa... tapos tawa ako ng tawa... adik eh noh? kapag matutulog naman, mahirap din, di mo alam kung nakatagilid ka, nakadapa o ano. kaya pag hinihika ako, nakaupo ako matulog, tapos konting salita ko lang, hingal-kabayo agad...
para ma-prevent ang pagkakaron ng hika, habang bata pa, laging painumin ng tubig na may honey...