ako usually pag sobra talaga yung tipong bumabaliktad talaga sikmura ko paggising saka hilong hilo pa din ako, itutulog ko lang ulet. mahabang tulog lang katapat saken ng hangover.
kung sakaling may hangover pa din ako, at ayoko namang matulog, iinom lang ako ng madaming tubig or softdrinks para mawash out ko yung lason sa dugo ko. technically "daw", kaya tinatamaan tayo dahil unti unti nateng nilalason ang dugo naten ng alcohol deliberately. madaming tubig lang at madaming wiwi tanggal na hangover ko.
ang matindi sa lahat kapag alanganin ang oras ng paginom ko, nangyayari ito pag hindi ko matanggihan ang nagyayaya lalo na kapag type ko talaga, minsan pag kaout sa work at papasundo saken tapos inuman na, nakow, delubyo ako nito dahil 6am dapat gumising na ako to prepare for work kinabukasan. hindi ako umiinom ng konti so talagang natural na hangover kinabukasan. ang ginagawa ko po pag may tama pa ako paggising, tumatakbo or pinipilit kong lumapit sa shower tapos ayun, papaliguan ko sarili ko para magising sistema ko. effective to kapag kelangan mo mawala agad ang tama mo talaga in an instant.
ang masama, minsan kahit ganito na na naligo ka na, minsan po may tama ka pa din, ayun na talagang mapipilitan na akong uminom ng 2 alaxan tablets or 2 biogesic. pede ding combination with a hot coffee or sabaw. t@ngna, secret weapon ko to, after 5-15minutes, nawawala tama ko at super pawis talaga ako. downside naman, for sure ang tindi ng gutom mo.
sabaw ng buko, pang flush out din. araw araw akong may supply ng fresh buko, so kadalasan instead na tubig or softdrinks pangtangal ko ng tama, buko juice gamit ko, yung puro po talaga. no difference sa tubig, same effect pero tingin ko mas mabilis maglinis ng sistema kaysa sa tubig.