It started a day before the ultimate Gasday, thats why di ako naka attend
Heres a summary kung anong nangyari sakin last week Friday.
Im practicin at home before magpunta sa gig, sabay bantay narin sa 3 yrs old baby ko my wife naman pauwi palang from office, mga 5 to 6pm to nangyari, then habang nag pa practice ako napansin ko yung dalawang bata sa tapat ng apartment namen tinuturo sa taas ng bahay ko,napahinto ako sa pag gi guitara, then pag panik ko sa kwarto ko eh nakita kong nasusunog na yung boung kama, nakita ko na nasa kama na yung electric-wall fan na nag aapoy, and alam ko na yun malamang ang pinag simulan, nung nakita ko isa lang nasa isip ko malilimas lahat ng gamit at malamang aabot pa sa kapit bahay ang sunog so bumaba agad ako kumuha ng tubig, di muna ako humingi ng tulong sa kapitbahay kasi inisip ko na pahinain and labanan muna yung apoy. Yung baby ko and yung nanay ng border namen iinuna ko na nilabas ng bahay.
gumamit ako ng lahat na nakita kong tubig, kasama na yung water container na mabigat, habang nilalaban ko yung apoy natapakan ko rin yung isang malaking apoy kaya hangang ngayon hirap parin akong lumakad, then humingi na ako ng tulong sa kapitbahay na marami na pala na nonood sa tapat ng bahay namen,
then may tumulong narin na 2 magiting then sumunod na yung bumbero after 5 to 10 mins.
Habang nilalabanan namen yung apoy e kitang kita ko na yung pedals ko na nababasa ng tubig na galing sa taas ng room ko, diko na pinansin, nung naka kuha ako ng buelo mabilisan ko niligpit yung pedal board and guitars ko at dinala sa labas, pinabantayan ko rin sa kakilala kasi maraming tao na usisero na pwede mag nakaw na di naman nakatira sa street namen.
to sum it all hangang kwarto lang ang naging sunog, buti nalang daw di lumakas sabi ng bumbero kasi malaki ang chance na madamay yung mga katabing apartments, basa lahat ng gamit ko sa sala, computer, scaner, etc. nagbaha sa dami ng tubig galing sa taas.
Di parin alam kung ano pinag mulan, kung faulty electrical wirings o yung electric fan na ni minsan di pa nasisira and wala pang 1 year nung nabili.
Sa relative muna ko nakatira ngayon and swerte na katabi lang ang computer shop, pero hirap parin ako mag lakad gamit ko yung trekking poles ko for mountaineering,kaya ilang araw nung ang lumipas bago ako nakapost dito
bakit GASsin for a Fire extinguisher? Kasi naiisip ko na sana naiisip ko rin mag gas sa mga impt bagay bago bumili ng bowteek pedals,im not tellin na pabaya ako pero much better na wag kaligtaan ang ibang bagay advise ko narin to sa mga fellow philmusic peeps here, checked out yung price ng fire extinguisher sa ebay phil, nasa 2k lang pala.Yummy. hehe
Ngayon lahat ng tugtug ko this week apektado, maraming bagay na nawala saken, hirap pa ako lumakad kasi 1st degree burn paa ko. Pero mabait parin si Lord na walang nasaktan sa family ko.Big Lesson learned here
Btw Friday d 13 to nangari pero tiempo lang siguro kasi ang accident pwede mangyari anytime any place at sa least expected.
Salamat mga fellow musician. Ingat nalang. Diko na ma detail yung pangyayari sumasakit na kasi ang paa ko. hehe
GOD BLESS !!!