Sige makapag search nga. Haha badtrip na kasi ako eh, di ko makuha yung sakto lang. Minsan sobrang dry minsan naman sobrang basa ng reverb. Ayos namang yung ambience for vox?
On mo yung reverb, tapos I-roll back mo yung wet signal hanggang sa tingin mo di mo na rinig. Solo playback mo yung track tapos i-off mo yung reverb sa fx. Pag napansin mo yung pag-off, sakto na yan. Pag walang difference masyado dry.
Malaki rin yung effect ng type ng reverb. For acoustic, iwasan mo yung hall type reverb hanggang hiyang ka na sa mixing. Madali na fck up ang hall reverb. Stick to pad/spring reverb. Maganda Kung may lexicon patches yung reverb mo.
Generally dapat mas wet yung vocals kaysa sa guitar. Pero alalay lang dapat sa reverb level mismo, dahil mas importante yung early reflection setting. Try mo yung mababa ang reverb level na mas mataas ang early reflection setting vs zero early reflection pero mataas na reverb level. Mas muddy yung huli.
FWIW ang gamit ko lang yung built in impulse reverb sa REAPER, sakto lang. Sana may SIR na libre sa Mac pero wala eh
Sent from my iPhone using Tapatalk