mroe mids! actually ok naman yung guitars pero mas bagay sya for full band mix. si ed kasi yung mix nya tunog naka-DI + mic. so yun, para lang mas may attack, bagay din naman sa solo guitar + vocals. I'd personally kill some of the low end, but that's just me. saan naka posisyon mic dito?
para kumapal yung mix, i-pan mo ng konti sa isang side yung guitar, tapos kung naka reaper ka may Haas Effect plugin dyan somewhere, tapos yung wet signal nun i-pan mo sa kabilang side. wider stereo effect!
sa vocals, more low end tapos konting high end pa. yun ang uso ngayon eh pero pag ganun mas forward yung lead vocal. ok na yung backing vocals konting timpla lang
Uy! Ayun maraming salamat sa feedback bro! Haha.
Gamit ko dito is yung Alvarez Parlor ko, naka aim yung AT2020 sa 12th fret pero medyo malapit na rin halos sa soundhole kasi nga parlor yung guitar hehe tapos naka DI din ako.
Ang ginawa ko is in EQ ko ng konti yung Mic'd signal ng acoustic guitar, binoost ko yung top end tapos nag boost ako ng konting konti sa low end. Then nilagyan ko ng reverb plugin na kasama sa Scarlet 2i2 tapos namili lang ako ng preset tapos adjust to taste nalang pero parang ang pangit ng kinalabasan
Ang hirap talaga tumimpla ng reverb..
Tapos sa DI signal nung guitar, binawasan ko lang ng mids tapos ayun na. Parehas signal naka pan lang sa center pero mahina lang yung volume nitong DI signal.
Sa vocals naman, ang ginawa ko is tinanggal ko yung low end para medyo mag cut tapos boost ng top end. Yung reverb naman same procedure lang, presets then adjust to taste. Hahaha!
Yes bro naka reaper ako, mahanap nga yang plugin na yan hehe. Salamat ulit bro! Kailangan ko pa talaga mag practice ng mag practice mag record hahaha