^Salamat sa mga reply!
Nilista ko na hehe!
oohhhh loudness war. lurk mode na lang ako walang alam eh haha
Loudness War: yung time na full-swing ang music industry nun at CD ang de facto format ng music. peak ng loudness wars yung 90s to early 2000s.
Ang ginagawa ng mga record companies noon, gumagawa sila ng mga "hot" records, meaning yung mga levels ng tracks noon sagad lagi sa 0db, kaya pag-rip mo ng mga CD's nung panahon na yun, puro square kasi naka clip halos lahat, into at fade out lang ang hindi.
Ginawa nila to thinking na pag mas malakas ang tracks mo, mas attention grabbing (duh) at nagtatranslate yun sa mas mataas na sales. At siya nga naman, kung nagrelease ka ng well-mastered record sa panahon na yun, malamang hindi maririnig yung music mo compared sa nakakabingi na records.
Saktong grunge/nu metal/hip hop/rap pa ang uso noon kaya hindi napapansin ng tao masyado na ultra compressed ang mga pinapakinggan nila, walang dynamics, walang air, nakakfatigue. Fortunately dahil sa advocacy ng ilang mga engineers at artists na feeling engineer, nagkaroon naman ng movement toward normalcy. Although pumapalo pa rin ng 0db ang mga tracks ngayon, usually peaks na lang sya, hindi na yung 90% ng track.
Para marinig yung difference ng loudness war era na music tsaka yung noon at ngayon, try mo pakinggan side by side yung mga albums na to pero wag mo gagalawin yung volume knob mo:
Pre-Loudness War:
Kill em All - Metallica
Off the Wall - Michael Jackson
Loudness war era:
Sa Wakas - Sugarfree
Fragmented - Up Dharma Down (particularly Pag-Agos)
Meteora - Linkin Park
Invincible - Michael Jackson
Death Magnetic - Metallica (original release)
Crash - Dave Matthews Band
Post-Loudness war:
Tala-Arawan - Sugarfree
Capacities - Up dharma Down
A Thousand Suns - Linkin Park
Michael - Michael Jackson
Death Magnetic - Metallica (Guitar Hero mix)
Away from the World - Dave Matthews Band