siguro for the love of music na lang ang pagbabanda, mahirap i-asa ang kinabukasan sa pagbabanda. Mahirap itaya ang buhay natin at ng mga anak natin sa pagbabanda. siguro dapat isipin na lang na libangan ang pagbabanda, kung sinwerte e di ok..pero wag masayadong maging attached dito. iba pa din ang may 8 to 5 job.
exceptional din naman kasi ang mga bandang tulad ng nirvana, metallica, pearl jam, weezer, green day at iba pa. kasi malaki ang populasyon sa US, kung ticket sales na lang ang paguusapan malaki talaga, at bukod doon magaganda pa mga kanta nila.
ang hirap lang kung walang ibang racket bukod sa pagbabanda kasi kapag na-laos na wala ng kita. iba padin ang day job kahit paano may sweldo tuwing kinsena.
siguro yung mga yumayaman lang talaga yun tipong magagaling at magaganda mga kanta pati yung mga face value. siguro swertihan din yan, saka hindi rin naman lahat ng may 8 to 5 job yumayaman.
basta enjoy lang ang musika kahit yumaman man o hindi ang mahalaga masaya tayo. kasi pag masaya tayo sa ginagawa natin kahit ano nagiging ok.