Hi Sir,
I bought a new interface/mixer BEHRINGER Xenyx Q502usb.
No problems on drivers installation, both reaper & audacity detected kaagad sya like my Samson usb mic.
Ang di ko po maintindihan, bakit di po pwede magsabay ang tunog ng pre-recorded kong tracks kapag mag overlay na ako ng ibang instruments?
For example, unahin ko po yung drums tracks. Yung powered speakers ko ay nakakabit sa phones nung Behringer....dinig ko yung unang tracks ko while recording.
Then pag papatong na ako ng bass lines, di ko na ma-monitor yung drum tracks, yung bass nadidinig ko. May button naman na pwedeng pindutin but pati yung drums tracks nahahalo sa track ng bass.
Ano po kaya prob nito?
Last query po,
Napuna ko lang since nag usb interface ako, natural po ba talaga na parang di na nagpi-peak yung signal sa Audacity. Napuna ko rin po yung recording ko sa drums (BTW e.drums po pala ako) e mas weak ngayon na naka direct yung out sa module ng e.drums sa behringer ko....compare dati na naka direct ako sa powered mixer ko (Trident generic) then yung line out ng powered mixer sa line in ng computer.
Napuna ko po mas powerful at buhay ang tunog ng drums ko using my old equipment compare sa interface.
Salamat sa dami ng tanong ko hehe.