mga sir may tanong po ako sa mixing/mastering.
ano po ba gagawin para yung vocals hindi parang hiwalay yung tunog niya sa banda? tapos ano po ba dapat volume level ng vocals relative to the band? kasi parang nagsstick-out yung vocals e.
second question po. yung rythm at lead na gitara, dapat po ba sa magkahiwalay sila na channel lumalabas? or dapat po ba mostly sa right kunyari yung rythm (pero may onti sa left) tapos sa lead mostly sa left (na may onti sa right)?
last, bago ba i export, ano pede gawin para magdikit lahat ng tunog? ok naman na sha, pero kasi may sinasabi yung iba na may gagawin ka pa para parang pag naging mp3 na sha wav or something dikit yung tunog maliban sa ginawa mo sa mastering.
salamat po, sana matulungan niyo kami.
if it helps, pop-punk po genre namin tas yung mga kanta namin na inedit ko (na kasalukuyan pading may mga problema mentioned above)
nakapost po sa myspace account namin. www.myspace.com/quickletsgo
thanks, help us!
gamitan mo ng headphones para mas rinig mo 'yung blending tapos after icheck mo ng nakaspeakers after para rinig mo 'yung kelangan mo iadjust, minsan pag dumadami tracks tingin ko e nasasapawan 'yung vox sa mixing pero pag masyado namang nalalagyan ng effects, ex. reverb, yung boses e masyadong nagiging lutang (hiwalay sa instruments), yun bale yung binabalanse ko. Kung minsan naman, kung hindi talaga swak sa tunog ng kanta yung higs or lows nung vocalist e iniEQ ko, onting timpla lang para dumikit. Tapos siyempre, autotune
kung kulang pa. Pero sa iba common ritual na yun. tedious talaga pero kaya naman. sanayan lang naman din.
tama yung sinabi mo sa gitara, pero dapat hindi masyado yung tamang nahihiwalay mo dapat sila. para nadidistinguish mo yung lead at yung rythms. Pero sa natry ko hindi naman ata necessarily ihihiwalay mo sila parati, just go with what your gut feels right, oks na. Iba pa rin kasi pag okey sa tenga mo e.
bago ako magexport tintry ko sya pareho sa headphones at sa speakers para makita ko yung final output, dinodobol check ko yung lakas nung buo, tapos pag nagrered edi babawasan ko para hindi pumuputok.... hmm... ano pa ba... papakinggan ko nga pala ulit yung blending, kasi ang rule ko is dapat malinaw ng instrumento, yung tipong pag tinenga mo mahihiwalay mo isaisa, vox, drums, ganun pero pag di mo pinansin maghahalo na lang sila, which I think is tama naman.
ayun, just my two cents, hope I helped