eto ang aking story. wentuhan muna tayo. hehe. 1st instrument na nahawakan ko..was a keyboard. inenroll pa nga ako ng parents ko nun sa isang chinese music school, wala kasi ako sa pinas nung mga panahong yun. pero tamad na tamad ako dahil hindi ko naman maintindihan ung sinasabi nung instructor, although cute sya (palibhasa chinita) but i was only 8 or 9 nung mga panahong un. anong malay ko sa sinasabi nya.. hehe. tapos tinamad na ako pumunta dun. di ako gumigising ng maaga o kaya naman idadahilan ko na hindi ko pa nagagawa ung mga practice exercises. hayun. tinigilan na namin ang pagpapanggap. sabi ko sa kanila drums ang gusto ko! drumS! pero kinausap ako ni erpat. acoustic guitar na lng daw muna. wala naman ako magawa dahil wala naman ako pambili ng drumset and gusto ko rin naman mag gitara..from then on, nagkaron ako ng acoustic guitar (hanggang ngayon buhay pa ung guitar na un). grade 3 ako nun, so imagine, hanggang ngaun buhay pa.ehe. naging gitarista ako, played with a band. pero hindi ko masyado nappractice ang pagigitara. hanggang sa lately,nito lng june 2007, nagulat ako because theyre planning to buy a drumset! aba aba.. syempre palakpak tenga ko. sa wakas ung pinapangarap ko nung kabataan ko, eh matutupad na din!! sakto nga eh, ngaun na nagwowork ako.. pede ko na pagipunan ang GAS needs para sa drumset. im so blessed to have wonderful parents, kaya heto kahit late na, todo practice pa din. well gusto ko lng sabihin na, patience is a virtue talaga. kung para sayo, para sayo! at pag nakuha mo na ito, wag sayangin ang pagkakataon. cheers to all drummers! mabuhay po tayo