Di ko alam kung may topic na about piccolos in general, so ipopost ko na lang opinyon ko.
Hindi ka magkakamali sa Remo Coated Ambassador Batter / Clear Ambassador Snareside. Standard naman na yan e, at makukuha mo halos lahat ng gusto mong tunog sa combo na yan. Tsaka sa snareside nga pala, kahit hindi ganun kamamahalin yung gamit mo - okay na rin yung Fernando na snareside.
Kaso in case gusto mas specific sa tunog...
Kung gusto mo mas focused yung attack, either mag two-ply ka na head (Remo Pinstripe) or yung may dot sa gitna (Remo CS Dot). Kung gusto mo sobrang focused talaga, Evans Genera HD Dry na yan. Problema lang eh di ako sigurado kung okay ba availability ng Evans dito.
Kung gusto mo mas open at ma-overtone naman yung tunog (at dahil piccolo nga yan, siguro mas tama ito), okay na ang Remo Coated Ambassador / Evans Coated G1. Kung gusto mo mas open pa lalo, Remo Fiberskyn or Evans J1.
Gamit ko sa 3"x13" na snare ko, Fernando na resonant (nung bumili kasi ako, walang stock ng Remo... hanggang ngayun di pa ito bumibigay, so may kumpyansa na ako sa Fernando) at Fiberskyn na batter. Meron din ako CS Dot na naka-ready lang in case gusto ko bumalik sa mas focused na tunog.