Isang dosenang pares ng drumsticks for P450.
Sulit nga ba?
Pinasubok sakin ang isang pair dito, kung saan isang linggo ko ginamit - gabi-gabi for practice, 2x for a gig. Bilang mga 5A na maple sticks, mas magaan siya ng konti sa hickory, kaya naging alangan ako. Pero madali na naging gamay ako dito.
After a week of use and abuse, ok pa rin ang sticks, hindi bumigay. Nagkaroon lang ng dents dahil sa pagpalo ng cymbals, pero natural naman yun kapag madalas na shoulder ng stick ang ginagamit sa cymbals.
Oo, sulit siya. Sa P450, meron ka nang isang dosenang sticks na tatagal.