Magandang gabi Cub users,
1 week ko ring di nagamit yung Cub10 ko at ngayon lang unang salpak e OK naman siya, pero after 5 mins, bigla nawala na tunog. Nagpalit ako cables, wala pa rin. Checked ko sa likod, isang power tubes wala ilaw. Pinagpalit ko yung tubes ng pwesto at yung same pa rin. Yung tubes di na umiilaw. Cub10 po pala yung amp.
Ang aking mga katanungan:
Pag nasira ba yung isang tube kailangan palitan din yung isa?
Pwede ko ba palitan ng ibang power tube yung nasira? (6V6GT yung sira, pwede ba 6L6GC yung ipalit? yung lang kasi available sa epektos)
Wala na ba gagawing setup pagkatapos palitan ng tube? Plug ang Play rin lang ba?
Ano po yung tube BIAS?
May mairerecomend po ba kayo ng ibang seller ng tubes bukod sa epektos.com? Within Metro manila lang po sana.
Pasensiya po, napakaraming tanong, first time ko po kasi magkaron ng di tubo.
Maraming salamat po.