For my part, almost sa buong 20 years kong pag-giguitara, di ako nakaranas ng frustration against may instrument. Frustration siguro how music became so commercialized but that's another story. Nakatulong rin yung mga panahon na nasa banda ako, every day jam. It wasn't really about the skills and virtuosity para sa akin. It was all about how we make music and communicate music with our colleagues in music and with the audience. Hindi ko inalintana yung mga kaisipan na kesyo "kailangan kong gumaling na mas magaling pa sa mga ibang guitarist", or "kailangan kong bumuo na ng banda at mabuhay sa banda", or "kailangan ko pang mahigitan si kwan" and what-not.
Music is a never-ending learning, parang buhay yan. Para sa akin, ang dami ko pang hindi alam sa music and this drives me not to be let down.
Mas lalo na ngayon na I am dedicating my skills and talents to His glory. Mas satisfying dahil nakakatulong ka na makakilala ang mga tao sa Diyos. Isang araw, sa pagtanda nating lahat at nasa dapit hapon na tayo ng buhay natin, hindi ba masarap isipin na naging makabuluhan ang buhay natin through music dedicated to our higher power. I am not preaching, I'm just saying that frustration can be overcome as long as you channel your skills in music and make the best use of them habang andito pa tayo sa mundo.