para sakin heads parin. sa mga nag-post diyan ng ibang artists, may tanong ako, Nung nagsisimula ba kayo maggitara diba madalas mga eheads yung mga tinutugtog nio? Kasi madaling kantahin at simple lang ang mga chords. saka dun kayo nagsimulang matutong maggitara. naalala niyo ba yung G-C chord ng pare ko, na marerealize nio na ngayon na ang tama pala ay g-em-c.
Pero I respect yours posts. hehe.
san kayo makakakita na kahit tunog lata sila, patok pa rin ang mga kanta nila at hanggang ngayon pag narinig niyo sa radio yung mga dati nilang kanta, napapasabay kayo ng kanta.
saka san kayo nakakita na banda na nag 3 or 4 times platinum ang album sa unang araw nang sales. Saka nag reunion concert ng isang gabi na umabot ng 50,000 ang nanuod at pinarioritize pa ang paggawa ng movie ng reunion na yun( kakanuod ko na nga lang kanina e) at isa pa humihingi pa ng part 2 ang mga fans.
marami pang ibang dahilan kung bakit ang heads para sakin ang greatest pinoy rock band.