Sana tamang thread ang sinulatan ko
Ano po ba ang ok na affordable folding bike brand/model? Napabili ako ng mall MTB, pinalit ko dun sa mall folding bike na nabili ko kasi sobrang cheap nung ginamit na suspension thingy. Ok naman yung MTB ko, pero kasi sinasakyan ko lang yun pag bibili ako ng bagay o kaya lalamon ng fishball/siomai/pares sa kanto. Masyado malaki at mukhang seryoso, plus maikli yung legs ko kaya mukha akong [chewbacca] pag nilagay ko yung seat sa low "chillax" level. at ang nag-iisang seryosong problema ko eh wala akong space na paglalagyan ng bike kaya malaking tulong kung natitiklop sya.
Syempre gusto ko sana ng high quality na brand tulad ng Dahon, pero wala naman akong ganung pera (tsaka sana pinambili ko na lang ng gear). Gusto ko lang naman yung hindi mababaklas habang sinasakyan ko. Ok din sana kung hindi single speed, at kaya naman umakyat ng bundok (na may semento naman, mabundokpo sa area namin sa cainta). Bonus points kung may violet color
Salamat po sa makakatulong!