M.S.'s na hate ko (Thumbs down)
1. Lazer Music SM Taytay: super suplado nung ibang Staff dito, esp. yung mahabang buhok na balbasin. nagtatanong ka lang e supalpalan agad. may nakasabay din ako na nagtatanong tungkol sa regal drumkit kung nego pa daw ba yung 9k. supalpal din
2. JB Music MOA: nag inquire ako noon regarding gretsch catalina club (actually mukhang nandun pa yung kit na ito. nasa taas na display dash) actually ang gulo talaga sa loob at masikip. parang uncomfy yung sino mag bibili. at staffs? grabe, supalpalan din.
3. Old Yamaha Music Store (Megamall Building B): Ace hardware na ata ito ngayon, lower ground.
nag inquire ako noon regarding dun sa tig 200, 000++ na drumkit kung naaalala nyo (kulay orange sya with gold hardwares + hoops) unang banat sakin, bibilin nyo po ba yan? FTW! kaya ko nga tinatanong muna e, gusto mo agad bilhin ko na? e kung kinukwento nya muna yung specs nung kit tsaka yung price. diba?
syempre, kung may thumbs down, may thumbs up din.
1. Lazer Music Store (Ali Mall Cubao): Super babait ng tao. bumili ako dito noon ng tension rods + lug cases at inalok pa nila ako ng jam. regards to sir mikey ng Lazer Music Ali. Thanks
2. The Drumshop Manila: di pa man ako nakaka purchase ng kahit isang item dito. alam kong maganda yung service nila, my friend josh ng kudos (metrowalk) ay bumili ng S-Hoops dito at talagang maganda daw yung store and napakababait ng staff
sana makabili rin ako ng kahit earplug man lang dito
3. GFC Music Store (Rotonda, Pasig City): Maliit na store lang ito, pero napakababait ng staff kahit mga mukhang ordinaryong tao lang.