hulika

Author Topic: Staying healthy when working GY / Night shifts  (Read 1518 times)

Offline Drummeroo

  • Formerly known as "Iyan"
  • Philmusicus Addictus
  • *****
Staying healthy when working GY / Night shifts
« on: February 01, 2018, 01:31:41 PM »
I recently got a job sa Isang Online casino facility dito sa Alabang, since online and iba ibang lahi ang client at mas kailangan ng tao sa gabing shift, na assign ako sa 00:00am to 09:00 am, six times a week, 1 hour break each shift ofcourse, naninibago talaga yung katawan ko since first time ko sa ganitong sched, nung nagbabanda ako pinaka late na siiguro 5am kaya medyo kakaiba talaga.

Alam kona "Google-able" may mga nabasa na din naman ako pero mas magandang personal akong magtanong sa inyo mga brothers especially sa mga naka GY, paano niyo mine-maintain yung healthy living ninyo? any workouts? food sggestions? daily to-dos etc.

i'm 25, 55kg, 5'6 ang height, mukhang adik sa kapayatan.
Wala ka na nga hitsura, wala ka pa diskarte. Wala ka talaga.

Offline red lights

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #1 on: February 01, 2018, 01:44:13 PM »

^ kung payat ka, "sex+beer"
Kahit na nasasaktan, Hindi pa rin mahindian

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #2 on: February 01, 2018, 02:49:37 PM »
I recently got a job sa Isang Online casino facility dito sa Alabang, since online and iba ibang lahi ang client at mas kailangan ng tao sa gabing shift, na assign ako sa 00:00am to 09:00 am, six times a week, 1 hour break each shift ofcourse, naninibago talaga yung katawan ko since first time ko sa ganitong sched, nung nagbabanda ako pinaka late na siiguro 5am kaya medyo kakaiba talaga.

Alam kona "Google-able" may mga nabasa na din naman ako pero mas magandang personal akong magtanong sa inyo mga brothers especially sa mga naka GY, paano niyo mine-maintain yung healthy living ninyo? any workouts? food sggestions? daily to-dos etc.

i'm 25, 55kg, 5'6 ang height, mukhang adik sa kapayatan.

wag kang magyosi(wag mo ko gayahin), quit participating in after shift inumans(nomo sa umaga). sleep is also the biggest factor that you need to maintain. kailangan mo ng solid na 6-8 hours per day na sleep o depende sa kakayahan ng katawan mo.

i worked night shift for 4 years na fixed 9pm to 6am dati. di ako pwede ng 8 hours na tulog sa araw dahil nagiging groggy ako sa work. nung binaba ko ng 6-7 ayun sakto lang sakin. nung mga unang buwan ko dun sa work madalas kami lumabas after shift para mag inom. nagyoyosi din ako. so ayun, parang lagi ako ngarag kahit weekends na. when i made the adjustments sa tulog at minimized ko yung inom, ayun umayos na. i managed to cut down on the smokes dahil tumatakbo ako dati pag weekends at diniretso ko na mag gym after a few months. very rare yung magkasakit ako nun kaya grabe feeling pag nagkakasakit ako kasi di ako sanay haha.
I turn myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Offline rickbig41

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #3 on: February 01, 2018, 03:23:14 PM »
Di ako night shift, but I agree wtih Marzi... Nung tinigil ko ang sigarilyo, hayun, medyo di na ako nahihilo kahit more than 10 hours ako sa tapat ng computer... Dati lagi akong nag yoyosi oras oras and sinubukan ko din energy drinks, walang epekto, nagkaka epekto siya pag matutulog na ako, di na ako nakakatulog and nag papalpitate na ako...

Tsaka vitamins... Wag mo yan kalimutan...
Those who did not learn from history are meant to repeat it...

Offline Drummeroo

  • Formerly known as "Iyan"
  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #4 on: February 01, 2018, 03:52:28 PM »
Thanks. Good thing hindi ako nagyoyosi. Another thing may history nga ako ng TB pero magaling naman na. (6 years ago) nakuha ko din yun sa pagpupuyat daw kaya iniiwasan ko.

Sex life wala pa naman. Hanggang kamay kamay lang. Nagbi beer naman ako. Vitamins, Conzace. Oncr a day. Tsaka normal ba yung lagi akong nagugutom? Langya naghiheavy meal ako pagtapos lang ng ilang oras kumakalam na naman sikmura ko. Mahilig din ako sa kape
Wala ka na nga hitsura, wala ka pa diskarte. Wala ka talaga.

Online Ralph_Petrucci

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #5 on: February 01, 2018, 04:25:25 PM »
Thanks. Good thing hindi ako nagyoyosi. Another thing may history nga ako ng TB pero magaling naman na. (6 years ago) nakuha ko din yun sa pagpupuyat daw kaya iniiwasan ko.

Sex life wala pa naman. Hanggang kamay kamay lang. Nagbi beer naman ako. Vitamins, Conzace. Oncr a day. Tsaka normal ba yung lagi akong nagugutom? Langya naghiheavy meal ako pagtapos lang ng ilang oras kumakalam na naman sikmura ko. Mahilig din ako sa kape

pacheck ka sa endocrinologist baka may thyroid issue ka. :)
hahaha ako binibiyak ko muna yung wetpaks para makita kung may yellow thingy hahahaha

Online nicoyow

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #6 on: February 01, 2018, 09:06:30 PM »
5 taon na akong nightshift. Yosi oo. Inom after shift hindi. Inom weekends oo. Mejo di ako maalaga sa katawan at di ko din masyado iniisip yung mga ganyang bagay. Mas iniiwasan ko kasi na mag isip at mastress. Mas masakit kasi kalaban ang stress. Tawa tawa lang sa opis. Smile smile lang.

 :-D
Sa pinipig, bukod sa pwede mo singhutin, pwede mo rin tikman.

Offline ytse_neil

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #7 on: February 01, 2018, 11:59:05 PM »
Sapat na tulog at exercise lang sir.. Ako halos 9 yrs na laging GY, may times na 3 hrs lang tulog ko dahil iba talaga tulog sa umaga, may marinig ka lang na konting ingay gising ka kagad tapos ang hirap na matulog ulit.. 
Please check and like our bandpage on facebook: https://www.facebook.com/pages/Bonifacio-Republic

Online Boxedking

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #8 on: February 02, 2018, 12:23:23 AM »
Mag 5 years na akong GY. Isa sa nakatutulong sakin to keep up is working out regularly before going to work. Gising ako physically and mentally.

Hinay hinay lang sa kape. A cup to start your day will do.

Hindi rin ako lumalamon sa office para hindi ako antukin. Sandwich or skyflakes lang tsaka madaming tubig. Kapag ihi ka ng ihi, tiyak gising ka talaga.

Hindi rin ako lumalamon bago matulog. Ang pinaka kain ko ay bago pumasok. Gasolina ng katawan ko yun for my daily grind.
www.soundclick.com/viruprison | www.soundcloud.com/lei-guitarist

Don't let the gearhead kill the musician in you. Philmusic s/b PhilGEAR

Offline Drummeroo

  • Formerly known as "Iyan"
  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #9 on: February 02, 2018, 01:50:04 AM »
Salamat sa lahat ng inputs ninyo.  :mrgreen:
Wala ka na nga hitsura, wala ka pa diskarte. Wala ka talaga.

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #10 on: February 02, 2018, 02:48:14 PM »
Di ako night shift, but I agree wtih Marzi... Nung tinigil ko ang sigarilyo, hayun, medyo di na ako nahihilo kahit more than 10 hours ako sa tapat ng computer... Dati lagi akong nag yoyosi oras oras and sinubukan ko din energy drinks, walang epekto, nagkaka epekto siya pag matutulog na ako, di na ako nakakatulog and nag papalpitate na ako...

Tsaka vitamins... Wag mo yan kalimutan...

yan pa isa. iwasan mo energy drinks. walang magagawa sayo yan. nakaupo ka lang, walang pupuntahan yung energy na makukuha mo sa mga yan. ang kailangan mo mag stay na focused yung katawan lalo na utak mo sa mga gagawin mo sa work.

and yes, vitamins. i started with enervon noon. then i shifted to performance types(animal pak pag may pera, revicon pag wala hahaha). siguro nung time kasi na nagstart ako mag workout nagkaron din ako ng interes sa supplements at fat burners.solid effect sakin ng lipo-6 black ultra concentrate dahil malakas caffeine content so very hyper ako sa work.

but again, dont take it if youre not engaged in any physical activities. at payat ka din naman so hindi mo need magpapayat hahaha!

sa sinabi ni BoxedKing - pwede ka naman kumain but divide mo into 5-6 portions yung kain. small serving meal, snack, small serving meal, snack, isa pang meal and a snack maybe. pika pika lang pre, di ka magugutom nyan.
I turn myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Offline skrumian

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #11 on: February 02, 2018, 09:51:54 PM »
Grave yard shift is never healthy. May bawi ang GY sa health kinalaunan.

Looking for second hand but still in good condition books:
1) The Complete MBA for Dummies; and 2) The Ten Day MBA
PM me!

Offline Drummeroo

  • Formerly known as "Iyan"
  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #12 on: February 05, 2018, 10:19:30 AM »
yan pa isa. iwasan mo energy drinks. walang magagawa sayo yan. nakaupo ka lang, walang pupuntahan yung energy na makukuha mo sa mga yan. ang kailangan mo mag stay na focused yung katawan lalo na utak mo sa mga gagawin mo sa work.

and yes, vitamins. i started with enervon noon. then i shifted to performance types(animal pak pag may pera, revicon pag wala hahaha). siguro nung time kasi na nagstart ako mag workout nagkaron din ako ng interes sa supplements at fat burners.solid effect sakin ng lipo-6 black ultra concentrate dahil malakas caffeine content so very hyper ako sa work.

but again, dont take it if youre not engaged in any physical activities. at payat ka din naman so hindi mo need magpapayat hahaha!

sa sinabi ni BoxedKing - pwede ka naman kumain but divide mo into 5-6 portions yung kain. small serving meal, snack, small serving meal, snack, isa pang meal and a snack maybe. pika pika lang pre, di ka magugutom nyan.

Ano yung animal pak? Sorry langya haha

Grave yard shift is never healthy. May bawi ang GY sa health kinalaunan.

Oo nga ito ang kinatatakutan ko. Sana naman huwag mapaaga at malala ang paniningil sakin
Wala ka na nga hitsura, wala ka pa diskarte. Wala ka talaga.

Online robinonibor

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #13 on: February 05, 2018, 11:02:09 AM »
5 years akong nightshift dati fixed sched.
nag gym ako at kumain ng madaming madami.
from 52kgs - 5'5 to 63 kgs (pinaka mabigat ko) in 6months
tapos nag resign ako dahil [apple] tlga ang puyat + stress babagsak at babagsak katawan mo pag d kaya i handle

I highly suggest HIT training. Kahit papano titibay katawan mo dun lalo baga mo. wag ka lang mag supplements..
« Last Edit: February 05, 2018, 11:07:06 AM by robinonibor »

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #14 on: February 05, 2018, 01:10:33 PM »
Grave yard shift is never healthy. May bawi ang GY sa health kinalaunan.

correct. pero that doesnt mean that na wala kang choice. sleep is the biggest factor na kailangan nya i-master kasabay ng time management dahil 6 days daw ang isang work week nya.

Ano yung animal pak? Sorry langya haha

dont take this kung di na nagwoworkout.
I turn myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Offline skrumian

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #15 on: February 05, 2018, 01:50:56 PM »
5 straight years akong graveyard. then after 5 years nalaman ko na lang may ng pneumonia ako ng walang symptoms. lahat ng doktor na nakausap ko ang sabi wag akong may graveyard.

Doktor: Ano trabaho mo?
Ako: call center
Doktor: grave yard?
Ako: Day shift po.
Doktor: Good, wag ka magpapagrave yard ah.
Looking for second hand but still in good condition books:
1) The Complete MBA for Dummies; and 2) The Ten Day MBA
PM me!

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #16 on: February 05, 2018, 01:53:31 PM »
^chronic pneumonia?
I turn myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Offline skrumian

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #17 on: February 07, 2018, 02:43:34 PM »
acute pneumonia. nagulat lang ako kase wala symptons. sa APE chest xray nakita.
Looking for second hand but still in good condition books:
1) The Complete MBA for Dummies; and 2) The Ten Day MBA
PM me!

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #18 on: February 07, 2018, 02:47:18 PM »
^langya. are you still on treatment?
I turn myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Offline Drummeroo

  • Formerly known as "Iyan"
  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #19 on: February 07, 2018, 03:42:07 PM »
correct. pero that doesnt mean that na wala kang choice. sleep is the biggest factor na kailangan nya i-master kasabay ng time management dahil 6 days daw ang isang work week nya.

dont take this kung di na nagwoworkout.

Ang angas niyang Animal na yan ah.  :-D

Kaya naghahanap nako ng upahan malapit sa alabang para sulit ang tulog ko. King ina 9 ako nag aout ng umaga 12 nako ng tanghali nakakauwi sa Taytay eh.
acute pneumonia. nagulat lang ako kase wala symptons. sa APE chest xray nakita.

Langya. Pero kumusta na ngayon sir?
Wala ka na nga hitsura, wala ka pa diskarte. Wala ka talaga.

Offline mozart123

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #20 on: February 22, 2018, 05:52:56 PM »
me friend ako nag work as video editor sa tv network as talent na high blood sya wala naman sya bisyo stressful kasi work nya lagi sya nasa harap ng computer. tapos napalayo pa work place nya from novaliches to mandaluyong tapos umuuwi pa sya ng malabon. e ngayon nag maintenance sya di graveyard shift nya.
check out my new page:Condo for sale Luzon.

Offline skrumian

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #21 on: February 22, 2018, 07:16:19 PM »
^langya. are you still on treatment?

Ayos na paps. That was 4 years ago. Antibiotic treatment lang.

Going back to the topic, kung wala talaganf magagawa at kailangan ng GY, just do the usuals. Exercise and eat healthy. May tendency na kumain ng marami kung GY. Dati 4 times a day ako kumain. Before going to work, lunch break, pagdating sa bahay at pagkagising.

Hirap matulog sa araw. Some say nakakatulong ang melatonin supplement. I have not tried it. Anyone here taking melatonin para makatulog?
Looking for second hand but still in good condition books:
1) The Complete MBA for Dummies; and 2) The Ten Day MBA
PM me!

Offline Drummeroo

  • Formerly known as "Iyan"
  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #22 on: February 22, 2018, 07:58:52 PM »
Di ko na talaga kaya bumiyahe from Taytay - Alabang daily, ansaket na sa ulo pag uuwi sa umaga.
Magpapa full scan na talaga ako ng katawan. Sana walang depekto.
Wala ka na nga hitsura, wala ka pa diskarte. Wala ka talaga.

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #23 on: February 23, 2018, 07:13:10 AM »
Ayos na paps. That was 4 years ago. Antibiotic treatment lang.

Going back to the topic, kung wala talaganf magagawa at kailangan ng GY, just do the usuals. Exercise and eat healthy. May tendency na kumain ng marami kung GY. Dati 4 times a day ako kumain. Before going to work, lunch break, pagdating sa bahay at pagkagising.

Hirap matulog sa araw. Some say nakakatulong ang melatonin supplement. I have not tried it. Anyone here taking melatonin para makatulog?

totoo yan lalo na kung lagi kang sumasama sa eat outs ng mga kaofis mo. di mo mamomonitor yung mga kinakain mo. next thing you know, either lumobo ka na or naka develop ka na ng sakit dahil sa fastfood na puro prito lang at preservatives. swerte mo kung may 24hours na karinderya sa area nyo na may gulay gulay sa choices.

melatonin helps pero depende sa katawan mo kung magrereact talaga. naging parte sya ng supplement list ko dahil after shift ako kung magbuhat dati at nahihirapan akong matulog dahil antagal bumaba ng adrenaline ko. for it to take effect, kailangan madilim ang paligid ng tutulugan mo so kailangan may makapal kapal na kurtina sa bintana. you can start with 2mg dose to 5mg tapos wag ka mag exceed dun. di sya parang sleeping pills na kailangan kumpletong 8hrs itutulog mo kung hindi groggy ka pagkagising. minsan 5hrs lang naitulog ko pero kargado ako ng energy dahil masarap yung tulog. you also have to give it at least 30 mins na nakahiga para tamaan ka ng antok.

Di ko na talaga kaya bumiyahe from Taytay - Alabang daily, ansaket na sa ulo pag uuwi sa umaga.
Magpapa full scan na talaga ako ng katawan. Sana walang depekto.

after nga ng health check mo pre, simulan mo na maghanap ng malalapit na rentahan kahit bed spacer lang para may mauuwian ka agad.
I turn myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Offline ytse_neil

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Staying healthy when working GY / Night shifts
« Reply #24 on: February 23, 2018, 11:40:20 PM »
Di ko na talaga kaya bumiyahe from Taytay - Alabang daily, ansaket na sa ulo pag uuwi sa umaga.
Magpapa full scan na talaga ako ng katawan. Sana walang depekto.
Hanap ka muna mag-rerentahan na apartment malapit sa work mo.. Ganyan din ako Nova to Mckinley for 6 years
hanggang sa na-urat na ko sa MRT, traffic at mahabang pila ng bus or UV Express kaya nag-rent na ko..