hulika

Author Topic: Local Bands Covering alot  (Read 8334 times)

Offline bugoy

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Local Bands Covering alot
« on: February 09, 2007, 05:54:26 PM »
anong masasabi niyo sa mga Local Bands Covering alot ngayon ? prinsesa ng 6 cycle mind, no touch ng ng rocksteady etc.....

Offline smallbahista

  • Senior Member
  • ***
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #1 on: February 09, 2007, 07:52:01 PM »
hmmm fave ko yang prinsesa eh
kaso nainis ako ng kantahin sya ng 6cyclemind, parang ndi mganda..hehehe
ndi ako against sa 6cyclemind ha
sana walang mgalit opinion lang naman

ung iba namang lumalabas na cover ayos lang
baka depende sa artist..hehehe

Offline xiver

  • Senior Member
  • ***
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #2 on: February 09, 2007, 08:14:20 PM »
ako rin e. d nmn sa ayko sa 6cycle. pro d ko lng dn trip ung version nila ng prinsesa..  :-P

Offline xavier

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #3 on: February 10, 2007, 12:20:39 AM »
onga. parang lounge sya na di bagay. tapos yung music video nya pa.

yung sa rock steady naman may bago nanamang cd na puro covers. tunog manila ata o ano. basta.  :x

Offline Extremist777

  • Veteran Member
  • ****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #4 on: February 10, 2007, 12:30:48 AM »
Just curious... Nagpapaalam ba sila sa banda na may ari ng song(s) na kino cover nila and include in the album? or just include it in the album and give credits to the band who made it?
777 posts and its over!


Offline soulshifter

  • Senior Member
  • ***
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #5 on: February 10, 2007, 12:42:53 AM »
hmmmm... parang sobrang dami ngang cover songs ngayon. ung sa APO tribute ok lang eh. since it was a tribute but as far as the other covers, mejo di ko trip. kasi sayang din originals ng bands, dahil lang sa sikat ung cover song nila hindi na muna pinapansin ung ibang material. ang sumisikat ung cover song, (na sikat nanaman in the first place.), parang plus na lang to sa banda since (excuse the term) panghatak-tao rin agad kasi. and i guess mas madali para sa labels dahil these covers help sell the albums.

as far as kung ok or hindi,.. kanya kanya sigurong trip. there are some that i like,... a lot that i don't. kung cocover ka nalang rin eh sana (according to simon cowell) make it your own. pag isipan mo naman ng konti. ung tipong kahit cover sya,..parang orig nyo na rin

Offline Santo Muerte

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #6 on: February 10, 2007, 09:38:28 AM »
APO HIKING SOCIETY = BLACK SABBATH NG MGA LOCAL POSER RAKISTA.

Offline panterica

  • Moderator
  • *****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #7 on: February 10, 2007, 01:07:16 PM »
katamaran magcompose ng bagong kanta.
I know you would say that at for the record di mo ako kilala ROOKIEBOY. Tinawag kitang rookie at di lahat, IKAW LANG GET IT. Hanggang dyan ka na lang....puro cheap shots - Pallas

"Good artists copy, great artists steal"

Offline smallbahista

  • Senior Member
  • ***
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #8 on: February 10, 2007, 01:42:08 PM »
katamaran magcompose ng bagong kanta.

hahaha...parang ganun na nga cguro  :wink:
mymp did well naman nung una
pero nung sunod-sunod na parang nakakasawa na...
ganda rin naman kase mkarining ng bago sa musika natin, ok na cguro na katunog atleast bago
hehehe

Offline kedysanchez

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #9 on: February 10, 2007, 02:05:21 PM »
Nakakagulat rin kasi yung dami ng nagpatronize ng tribute to APO.  Sales of the album were really phenomenal (BTW, di ako connected sa album na ito, ha).  You can see that with the way they have been milking everything out of this project (nilabas na nila uli yung original APO version; naglabas sila ng VCD ng performance ng mga banda; etc).  And people can't get enough of them, it seems.

Halos mahilo ngayon ang music industry na gayahin ang business model na ito - gawa bigla ang Star Records ng tribute to Hotdog naman (heard Piolo singing Ikaw Ang Miss Universe...) then Vicor naman made a tribute to VST with an all samba (???) album; Hinabol naman ng Viva with tunog Manila Sound (with RockSteady, etc).

Bands also realize being part of these compilation is a good way of being promoted nationwide.  Moonstar 88 (then very much underrated but is actually very good) became a household name with Panalangin. 

Actually I have to admit I want to jump in sa Tribute Bandwagon. I have been proposing that today's bands give tribute to the late LEVI CELERIO, one of the country's best songwriters (Ugoy Ng Duyan, Pasko Ay Sumapit, Ang Pipit).  Pero wala pang gustong sumali.

 

Offline coolvoice

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #10 on: February 10, 2007, 02:17:47 PM »

Actually I have to admit I want to jump in sa Tribute Bandwagon. I have been proposing that today's bands give tribute to the late LEVI CELERIO, one of the country's best songwriters (Ugoy Ng Duyan, Pasko Ay Sumapit, Ang Pipit).  Pero wala pang gustong sumali.

 
[/quote]


hahaha ok ang trip mong yan..kaso mahihirapan kang makahanap ng magcocover nyan.....

Offline soulshifter

  • Senior Member
  • ***
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #11 on: February 10, 2007, 03:35:17 PM »
Nakakagulat rin kasi yung dami ng nagpatronize ng tribute to APO.  Sales of the album were really phenomenal (BTW, di ako connected sa album na ito, ha).  You can see that with the way they have been milking everything out of this project (nilabas na nila uli yung original APO version; naglabas sila ng VCD ng performance ng mga banda; etc).  And people can't get enough of them, it seems.

Halos mahilo ngayon ang music industry na gayahin ang business model na ito - gawa bigla ang Star Records ng tribute to Hotdog naman (heard Piolo singing Ikaw Ang Miss Universe...) then Vicor naman made a tribute to VST with an all samba (???) album; Hinabol naman ng Viva with tunog Manila Sound (with RockSteady, etc).

Bands also realize being part of these compilation is a good way of being promoted nationwide.  Moonstar 88 (then very much underrated but is actually very good) became a household name with Panalangin. 

Actually I have to admit I want to jump in sa Tribute Bandwagon. I have been proposing that today's bands give tribute to the late LEVI CELERIO, one of the country's best songwriters (Ugoy Ng Duyan, Pasko Ay Sumapit, Ang Pipit).  Pero wala pang gustong sumali.

 

ako willing... hehe. isestretch nyan creativity namin. he deserves a tribute. medyo i rorock out nga lang namin... mahirap ata yun. pero what the heck.

Offline insultedgamer

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #12 on: February 10, 2007, 06:34:58 PM »
Ang pagkaka-alam ko isang album ng iba't ibang artist = Puro revival ung laman.

Ung Hopia, Mani, Popcorn?

Eh anung naman masasabi nyo sa Rock Baby Rock ng Kala?
Please be active at Pinoy Music Fan Forums. :)

Offline vinz

  • Moderator
  • *****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #13 on: February 11, 2007, 11:36:56 PM »
anong masasabi niyo sa mga Local Bands Covering alot ngayon ? prinsesa ng 6 cycle mind, no touch ng ng rocksteady etc.....

hindi naman sa pinagtatanggol ko to no...pero siguro tribute to sa OPM kaya sila nagCover ng mga songs...di ba nga nagkaroon ng TRIBUTE TO blah blah blag etc. siguro maganda ang concept and offer (OF COURSE THE SALES na MANGYAYARI) kasi papatok talaga sa Masa...kaya ayun...

okey lang  :-D

Offline lucy_monostone

  • Senior Member
  • ***
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #14 on: February 12, 2007, 02:09:04 AM »
pera lang para sa record co.s at extra fame naman para sa mga banda ang motive IMO.

kung tribute to OPM, parang mahirap paniwalaan yun. kase pwede naman silang gumawa ng sarili nilang OPM na may potential maging hit sa masa lalo pa ngayon mas madami ng resources available - mas maganda na dapat ang quality ng kanta na pwede nilang magawa.

ang nakka badtrip sa mga to.. halos walang pinag kaiba sa original.. hindi man lang ginawang bago sa pan dinig ng mga tao.. nabawasan pa nga sa palagay ko ang impact.. gaya na lang nyang prinsesa ng 6cycle.. ang pangit ng pag revive nila.. boring as hell.

bukod pa dito ang nag ttaka talaga ako.. wala sa revival/tribute ang Hale. kung sino pa yung pinaka sikat ngayon - sila pa yung wala sa listahan. pero yung mga kasabayan nila (sugarfree, spongecola, kamikazee) nandun..

Offline vinz

  • Moderator
  • *****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #15 on: February 12, 2007, 03:27:23 AM »
pera lang para sa record co.s at extra fame naman para sa mga banda ang motive IMO.

kung tribute to OPM, parang mahirap paniwalaan yun. kase pwede naman silang gumawa ng sarili nilang OPM na may potential maging hit sa masa lalo pa ngayon mas madami ng resources available - mas maganda na dapat ang quality ng kanta na pwede nilang magawa.

ang nakka badtrip sa mga to.. halos walang pinag kaiba sa original.. hindi man lang ginawang bago sa pan dinig ng mga tao.. nabawasan pa nga sa palagay ko ang impact.. gaya na lang nyang prinsesa ng 6cycle.. ang pangit ng pag revive nila.. boring as hell.

bukod pa dito ang nag ttaka talaga ako.. wala sa revival/tribute ang Hale. kung sino pa yung pinaka sikat ngayon - sila pa yung wala sa listahan. pero yung mga kasabayan nila (sugarfree, spongecola, kamikazee) nandun..

yeah...hindi rin kasi natin alam kung sino ang totoo at sino yung may malinis na motibo para sa OPM...

Offline James_Animagi

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #16 on: February 16, 2007, 08:49:02 PM »
panira talaga ung prinsesa ng 6cycle mind di bagay sa tunog nila ayoko talaga ng masyadong covers kasi gasgas na ung tunog na sumikat dati cguro tamad na sumulat ng kanta ung ibang banda ngayon minsan di na nga ako nagbubukas ng FM radio kasi puro recycled songs halos maririnig mo

Offline pipo

  • Senior Member
  • ***
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #17 on: February 17, 2007, 12:09:29 PM »
sobrang kapanahunan talaga ng mga bands nowadays,kahit anu tugtugin nila,
mapa orirginal or cover songs kinakagat ng mga tao.
pero ok yun mga tribute like yung sa eheads & apo.

hhmmm...sino kya susunod na may tribute?hehehe :lol:
1. Do you know for sure that you are going to be with God in Heaven?
2. GOD: “Why should I let you into My Heaven?”
 what would you say?

Offline kedysanchez

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #18 on: February 17, 2007, 12:59:04 PM »
With your permission, allow me to put things into perspective.

1.  Ang pagbibigay ng tribute ay hindi naman masama.  Kung meron talagang tao na may ginawang makabayani, o may nitulong sa bayan, o nakagawa ng malaking contribusyon sa sining, pwedeng bigyan ng tribute.  Oo, naiintindihan nating medyo nauuso ito sa larangan ng musika ngayon dahil sa commercial success at tayong lahat ay nagdarasal na sana'y di lang kahit pusa nila sa bahay ay bigyan nila ng tribute.

2.  Ang pagdami ng mga cover songs ay sanhi ng ilang bagay - katamarang mag-isip ng mga record company nang "out of the box" at nagrerely na lang sa tried and tested methods; mga recording artist na ayaw pahuli sa uso (magrevival tayo kasi pati si ganung banda may revival, e); ang napakatinding pagbagsak ng record sales worldwide (lalo na sa atin) dulot ng matinding piracy, ng mabababng purchasing power ng ating kabataan, pagdownload natin sa Limewire at Napster, at dahil gamit natin ang ating disposable income sa cel na may camera at load; subali't ang pinakamatinding sanhi pa rin ay ang "market forces" na may demand pa rin sa ganitong mga kanta.  Pag revival kasi, mas madaling makapasok sa radio, kilala ng tao pag tinutugtog sa mga mall tour kaya di lumalayas ang audience; at pinakaimportante sa lahat binibili. Pag hindi kasi bumenta yung local act - lugi record company, tanggal yung mga A&R nila, at si di kalaunan baka pagbawalan na silang mag-produce ng OPM (take note - dalawang multinational company na ang mayroong ganitong policy).

3.  Ang pag"cover" ng kanta ay di naman dapat ikahiya o kutyain.  Historically speaking, ang pagcover ng kanta has always been there on a constant level.  Unfortunately, napunta tayo uli sa gulong ng palad na lalong tinatangkilik ang cover songs. Hindi natin pinipilit magustuhan iyon, pero nangyayari talaga.

4.  Lastly, ang isang bagay na gusto kong maipaabot ay kung mag-cocover man ng isang awit, sana'y malagyan ito ng bagong elemento, estilo, tiyempo, o anupamang magbibigay ng isang panibagong panlasa sa awitin ito.  Sa ganitong paraan, maaari mong angkinin ang awiting ito dahil maituturing ka na ring isang kapwa  tagapaglikha.  Kung bibilisan mo lang ang tiyempong parang punk, lalagyan ng distortion sa bagsakan at isisigaw ang lyrics - maari ka ngang magkulang sa panlasa ng mga nakikinig.  Kung sisiprahin mo na namang exakto ay pinapayuhan kong sa Magic Sing na lang magtrabaho para gumanda naman ang mga minus one nila.

Hindi ko sinasabing gospel truth ang aking mga obserbasyon. Ito'y hamak na paningin ng isang matandang nakalubog ang isang paa sa larangan ng musika sa loob ng 24 na taon.But still, you may have various views to share.

Magpasalamat tayo at napakaraming opportunities ang local music ngayon.  Things were different a few years ago.  Foreign culture totally dominated the music scene by 90%.  Nowadays, it's hip if you lug a guitar to school.  Your girlfriend proudly presents you to her parents as a member of a band.  It was totally the opposite a generation ago.

What do you guys think?  Maganda ang thread na ito pero napansin ko lang medyo umiikot yung direksiyon at puro angst lang ang lumalabas.  Peace tayong lahat. :-)

isko1978

  • Guest
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #19 on: February 18, 2007, 12:00:48 AM »
 :-D tama po kau dyan sir... :wink:

Offline fraudulentzodiac

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #20 on: February 18, 2007, 11:20:40 PM »
making another version of an old OPM song is one way of telling people that you've run out of artistic juice or never had any at all,hehe.

about tributes, ok lang yun as long as they do justice to the original (malamang naman kasi kaya siya nagkatribute eh magaling siya or ok yung nagawa niya).
Personally kung magkaka The Dawn tribute gusto ko gawan yung Iisang Bangka Tayo. hehe.
Ang ganda nung riff ni boss francis dun.  :-)

Offline BassCog

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #21 on: February 19, 2007, 12:40:32 AM »
If you're covering a song, then make sure it's either a great tribute to the original, or an innovative remake. Or, just make it your own.

Hindi natin alam kung bakit ginawa ng mga banda na mag cover (even in a tribute album - some because it really is a tribute to a band they loved well, or for others, kasi may other factors ito). But the listener is the final judge for the song.

As an example, I bought the APO tribute album. Some renditions I liked, some I didn't, and some were...simply not a good remake, but were done well.

Love it or hate it, it's being done. and if you hate it, well, just say to yourself "there but for the grace of [insert your preferred idol, god or universal force] go I."

Offline Domengik

  • Senior Member
  • ***
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #22 on: February 20, 2007, 02:07:57 AM »
katamaran magcompose ng bagong kanta.

+1

ako eto lang masasabi ko, mayabang na kung mayabang, pero mahirap talaga magpiga ng utak kung wala kang pipigain,kaya manggagaya ka nalang ng kanta.(or mambababoy ..:-D)
"I was taught to think the next week or month or year will only get better than it is today. So I just keep waiting to see how great it will get!"
   --Stevie Ray Vaughan

Offline summer_romance

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #23 on: February 20, 2007, 06:06:50 AM »
Mas masarap makilala sa SARILING KANTA na GAWA MO,
kaysa sa kanta na gawa ng iba...
so i prefer own compositions :)

Offline bugoy

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Local Bands Covering alot
« Reply #24 on: February 20, 2007, 06:39:07 AM »
sino naman kaya sususnod at mag co cover ng laklak at isasama sa album nila + gagawan pa ng video  :roll: