With your permission, allow me to put things into perspective.
1. Ang pagbibigay ng tribute ay hindi naman masama. Kung meron talagang tao na may ginawang makabayani, o may nitulong sa bayan, o nakagawa ng malaking contribusyon sa sining, pwedeng bigyan ng tribute. Oo, naiintindihan nating medyo nauuso ito sa larangan ng musika ngayon dahil sa commercial success at tayong lahat ay nagdarasal na sana'y di lang kahit pusa nila sa bahay ay bigyan nila ng tribute.
2. Ang pagdami ng mga cover songs ay sanhi ng ilang bagay - katamarang mag-isip ng mga record company nang "out of the box" at nagrerely na lang sa tried and tested methods; mga recording artist na ayaw pahuli sa uso (magrevival tayo kasi pati si ganung banda may revival, e); ang napakatinding pagbagsak ng record sales worldwide (lalo na sa atin) dulot ng matinding piracy, ng mabababng purchasing power ng ating kabataan, pagdownload natin sa Limewire at Napster, at dahil gamit natin ang ating disposable income sa cel na may camera at load; subali't ang pinakamatinding sanhi pa rin ay ang "market forces" na may demand pa rin sa ganitong mga kanta. Pag revival kasi, mas madaling makapasok sa radio, kilala ng tao pag tinutugtog sa mga mall tour kaya di lumalayas ang audience; at pinakaimportante sa lahat binibili. Pag hindi kasi bumenta yung local act - lugi record company, tanggal yung mga A&R nila, at si di kalaunan baka pagbawalan na silang mag-produce ng OPM (take note - dalawang multinational company na ang mayroong ganitong policy).
3. Ang pag"cover" ng kanta ay di naman dapat ikahiya o kutyain. Historically speaking, ang pagcover ng kanta has always been there on a constant level. Unfortunately, napunta tayo uli sa gulong ng palad na lalong tinatangkilik ang cover songs. Hindi natin pinipilit magustuhan iyon, pero nangyayari talaga.
4. Lastly, ang isang bagay na gusto kong maipaabot ay kung mag-cocover man ng isang awit, sana'y malagyan ito ng bagong elemento, estilo, tiyempo, o anupamang magbibigay ng isang panibagong panlasa sa awitin ito. Sa ganitong paraan, maaari mong angkinin ang awiting ito dahil maituturing ka na ring isang kapwa tagapaglikha. Kung bibilisan mo lang ang tiyempong parang punk, lalagyan ng distortion sa bagsakan at isisigaw ang lyrics - maari ka ngang magkulang sa panlasa ng mga nakikinig. Kung sisiprahin mo na namang exakto ay pinapayuhan kong sa Magic Sing na lang magtrabaho para gumanda naman ang mga minus one nila.
Hindi ko sinasabing gospel truth ang aking mga obserbasyon. Ito'y hamak na paningin ng isang matandang nakalubog ang isang paa sa larangan ng musika sa loob ng 24 na taon.But still, you may have various views to share.
Magpasalamat tayo at napakaraming opportunities ang local music ngayon. Things were different a few years ago. Foreign culture totally dominated the music scene by 90%. Nowadays, it's hip if you lug a guitar to school. Your girlfriend proudly presents you to her parents as a member of a band. It was totally the opposite a generation ago.
What do you guys think? Maganda ang thread na ito pero napansin ko lang medyo umiikot yung direksiyon at puro angst lang ang lumalabas. Peace tayong lahat.