@wireless_system
hey man welcome to DIY. tulungan kita sa mga tanong mo.
yung positive polarity sa design ay square and yung negative is circle, kapag walang ganun(kapag parehong circle), ibig sabihin kahit san ko ilagay yung caps and led?
-NO! kapag walang square/circle, wag mo ilagay basta-basta yung electrolytic caps, LEDs, diodes, i-trace mo sa schematic kung saan connected ang (+) and (-) nila. Kasi kapag sinalpak mo na lang, baka pumutok pa yung capacitor, mapundi yung LED, o hindi gagana ang circuit.
saka tama ba kung ganito gagawin ko pagkatapos kung magawa yung pcb?
-yeah man, tama yun pinost mo, actually madami pang offboard wirings bukod diyan, pero maganda na yung pinost mo
linalagyan din pa ng on/off switch yan, maliban sa bypass na switch? kung oo san icoconnect?
-no need, useless 'pag may on/off switch, tapos may bypass switch pa.. bypass switch is considered on/off of the pedal effect.
kung gagamit ako ng AC toDC adapter ilan yung current na kailangan? meron samin 9V, 1A, yung pang modem pwede ba yun o kailangan ng lesser current?
-DC adaptor dapat gamitin mo, rated 9V DC, center-negative.. sa current ok lang mataas wag lang yung voltage.. high voltage might destroy ICs, transistors.. most pedals are designed for 9Vdc operation, sapat na ang 9V.. wag ka din gagamit ng AC adaptor, hindi gagana baka masira lang circuit mo.