Hahaha! biro lang yun, marzi!
Magiging parte na ng lifestyle ko siguro ang mag gym. Wala naman kasi akong ginagawa pag labas sa ofis ng 5:30. Besides, malapit pa sa sakayan ng bus yung gym, so dun nlang muna ako tambay, kesa makipag siksikan sa loob ng bus during rush hour.
@ Jun: Pre, anu-ano pa mga kinakain mo nung nag diet ka? Last month ko kasi tinigilan kumain ng kanin eh. Bale lugaw lang na may century egg ang kinakain ko pag lunch. Tapos, pipino at nilagang itlog sa gabi, minsan yogurt lang saka mansanas o saging.
Kumakain kain din ako ng whole grain na tinapay pag medyo ginugutom ako between meals (lasang darak, Lol!) ok ba yun?
* * * *
Ano ba meron sa dibdib ng manok? Yun din advice sakin ng gym instructor eh. Ok lang bang i-prito yun?...vegetable oil ang gamit- yung hindi nagiging sebo sa lamig na mantika?.. Nakakasawa yung laga lang lagi eh..
Salamat uli!