To C-D-F
ang gulo mo eh tianwag mo nga na pagkalat ng isang trend eh tapos sasabihin mo na hindi mo tinawag na trend yun. =ANong latak ang pinagsasabi mo?Eh 1980's pa ang punk dito sa pinas hindi sya nasagap dun.Kasabay sya nabuhay ng mga taga U.S at taga Europe mula noon hangang ngayon.hindi sya namatay dito sa pinas pinag patuloy sya ng mga founders ng punk culture dito hangang sa kumalat na ng kumalat at lumakas ng lumakas
Bro you have no idea :minsan puntahan mo yung site ng Manila indipendent media baka maglumuhod ka kalawak ang alam naming sa politics
Synthetic ang leather jackets ng punk kahit nung panahon pa ng 1978 isa yun sa mga ginawa rules ng punk culture kaya nga walang naka leather shoes eh at kung meron man synthetic yu!.Isa nga yun sa tinutulak nilang movement eh yung pag encourage ang gamitin synthetic wag toyoong balat ng hayop.
Bro mga estudyante lang karaniwan ang walang trabaho sa phil punk movement karaniwan ng mga taong 30 years and above na kasama dun mga teachers,dentista or nag tatrabaho sa.pasensya na normal lang kasi ang sa punk ang maging articulate sa music kaya pag nakikipag debate kami siguradong alam namin ang sinasabi namin.kahit pag usapan natin jazz ngayon mas malayo mapapag uusapan natin eh.Tsaka nga pala Cum laude ng Ateneo last year ay punk.
So san mo nanaman nilalayo ang usapan? 'di mo nanaman tinignan yung post ko. Ang sabi ko "KARAMIHAN SA MGA SELF PROCLAIMED" alam mo ba ibig sabihin ng self-proclaimed? Eto clue (P*S*R). Hindi ko sinabing "TUNAY NA PUNK".
Yung sinasabi kong latak is sa tingin mo ba na adopt ng mga Filipino punk yung kabuuan ng essence ng punk from the countries that it originally came from? Parts lang ang nakukuha natin IN THE BEGINNING tapos nag evolve na lang based on kung ano yung nasa environment natin. Shempre ngayon nauso ang internet kaya mabilis tayo makahabol sa kanila. At hindi lang nangyayari to sa Punk scene or culture... nangyayari to sa lahat ng culture na inaadopt natin. Ngayon, kahit gano kaganda ang isang culture... kapag mashadong marami ang sumali in a very short period of time, nagiging trendy. Hindi ko sinabing Punk is Trend.
Yung sinasabi ko about trend is ineexplain ko kung pano nagiging loose ang structure ng isang culture pag mashadong madami at mabilis yung pagkalat nya sa mga audience. Kaya nga maraming posers sa lahat ng genre eh. Dahil yung iba natuto lang sa kwento ng kakilala nya na naimpluwensyahan lang din ng ibang tao and so on and so on. Eto yung sinasabi kong about trend.
Pano mo masasabing ang punk ay kasabay ng pag develop sa US at EUROPE eh ikaw na rin ang nagsabi na 1980's pa yung punk dito eh sa US at Europe eh 1970's? At ano rin yung sinasabi mong hindi nasagap ng Filipino ang punk? Tingin mo ba may isang pilipino na nagising nalang sa pagkakatulog at nagsabing... "OI, Punk Ako!"? Kung hindi natin nasagap ang punk form other countries, then bakit wala akong makita sa internet na isa ang Pilipinas as originators ng punk scene? Sa tingin mo ba bigla bigla na lang naging punk yung mga pioneers na punk sa Pilipinas at nagkataong parehong pareho yung music at principles nila to those punks abroad? Bottomline, inadopt lang natin ang Punk.
Eh marami ka palang alam sa punk dahil pinupuntahan mo yung Manila Independent Media. Eh bakit hindi ka dun makipag diskusyon? Bakit gumawa ka pa ng thread dito na may title "What is Punk?" So ano ang purpose mo? Mag hanap ng kasagutan para mapatunayan mo na marami kang alam sa Punk? Siguro nga marami kang alam sa Punk scene at sinabi mo pa na pag nakikipag debate kayo eh sigurado kayo sa sinasabi nyo... kaya lang ang problema hindi mo naman iniintindi yung sinasabi ko eh.
HINDI MO BA NA GETS YUNG ORIGINAL POST KO? ANG SABI KO NAIINIS AKO SA MGA SELF-PROCLAIMED (or posers) NA PUNK NA WALANG ALAM. Dahil marami sa college na pinanggalingan ko ay feeling Punk na nakiki "vegan" at nakiki "OI" pero pabigat naman sa buhay at society. Hindi ko sinabing yung mga tunay na punk. Mataas respeto ko sa punk scene, no question about that.