eto experience ko about kidney stone:
muntikan akong magkaroon nito last september. one time nagpigil ako ng ihi tapos nung pag-jingle ko, kinagabihan, dun na nag-start sumakit 'yung kaliwang tagiliran ko. pinatagal ko ng apat na araw bago ako nag-decide magpa-check up. nagpa-ultrasound ako, and the result is namumuong kidney stone. sabi ng doctor, parang buhangin pa lang naman kaya niresetahan ako ng antibiotic (Ciprofloxacin) tsaka Buscopan Plus. after one week, bumalik ako for urinalysis at naging normal na 'yung resulta.
kung minsan talaga hindi sa maaalat na pagkain nakukuha 'yung ganitong sakit. nasa gamot din kung minsan. umiinom kasi ako ng diuretic para sa sakit ko. dapat umiinom pa rin ng tubig kahit mayroon kayong iniinom na diuretic (Furosemide for example). kung naiihi na, huwag nang magpigil, ilabas nyo agad.
OT: after nung check-up, hindi ko na maalis sa isip ko 'yung babaeng Rad-Tech na nag-ultrasound sa akin. inlove na 'yata ako.
ay sorry... hindi pala ito RATS