that also happens to me but only when i stomp on it for the first time. after that, i don't hear any more clicks.
i have a pocket metal muff... lol... am thinking of getting something heavier though... lol
afaik, may kinalaman yan sa loading ng capacitors sa pedal. kaya pag first time inapakan may click, after that nawawala na yung tunog. correct me if i'm wrong na lang.
EHX fan here too!! i was fortunate na magkaron ng 3 EHX pedals: Metal Muff with Top Boost, Tube EQ, at English Muff'n.
yung Metal Muff, ang ganda nung top boost. napaka-useable sa band setting. i had to let it go though, kasi nagiging somewhat nasal siya sa amp-guitar combo ko. yung guitar na gamit ko kasi nun was a bit middy.
yung Tube EQ naman, kaya ko lang binenta kasi kelangan ko ng cash. pero sobrang ganda nung pedal na yun. nakakapagsisi ibenta tuloy. hindi lang pang-guitar yung application niya, kahit anong instrument pwede. tapos kahit kabitan mo ng kahit anong digital fx, instant tunog tube kaagad basta may Tube EQ.
my English Muff'n is for sale right now (shameless plug! haha!). gaya ng Tube EQ, im only selling it kasi i need cash right now. i'll retract it kaagad basta nakapag-raise na ko ng funds. Marshall in a box yung tunog nitong pedal na to. it works both as a distortion pedal and as a preamp. hindi pa ko pinapahiya ng pedal na to ever pagdating sa gigs. and because the tubes in it are working the way they should be, ang ganda ng response niya sa picking dynamics. even at full gain, hindi ko kelangan patayin yung pedal if i want to have a clean sound. roll off lang ng volume knob ang katapat. tapos hindi lang basta clean na masabing clean tone lang, sparkly clean pa yung roll off sound niya.
dagdag ko rin yung isa kong "EHX pedal". may DIY EHX LPB-1 clone ako.
simple booster lang siya. hindi siya transparent, may emphasis sa lower mids yung boost niya but that's ok with me. kasi napaka-musical nung boost niya. nadadagdagan ng buhay yung tunog. mas trip ko tunog nito personally kaysa Microamp. sometimes i set my English muff'n with gain at 11:00, tapos itong LPB gain at 11:00 rin. now, infinite possibilities na sa clean-slight dirt-dirty-crunch-crunchier-distorted sound ang kaya kong gawin with this setup together with my guitar's volume knob.