If I wanted a cymbal set to sound great even if it doesn't cost that much, what would you guys recommend?
I want a simple set up like the ff:
14" hats
16" crash
18" crash ride
I was thinking of paiste or planet Z?
Well, I'll leave it up to you guys. Tnx.
well kung gusto mo maganda tunog, eh di wag ka mag Planet Z. actually mabuti nang iwasan mo lahat ng budget cymbal models ng Zildjian, kasi malaki agwat ng quality ng budget range at professional range nila.
sa sabian, merong XS20, B8, tsaka B8 Pro. yung XS20 warm yung tunog, medyo low pitched. yung B8 / B8 Pro matinis. wag yung Solar (brass kasi... iwasan mo ang brass!).
sa paiste, yung PST 5 (wag yung PST 3 kasi brass!) nila okay lang kaso nothing special. yung Alpha, maganda talaga. siguro quality-wise, ito na yung best series sa low-mid level price range. wag rin pala yung 101/201 if ever available pala dito.
sa meinl, di ko alam ano available dito. tignan mo na rin ano meron sa lyric. yung MB10, Raker, Amun, tsaka Classics mga okay daw para sa presyo e. yung MCS, parang PST 5 lang yun. again, wag yung HCS kasi brass.
ang Stagg naman, yung mga top-of-the-line nila eh kapresyo ng mga mid-range models ng ibang brands. kaso sobrang kailangan mo talaga piliin yung cymbals na kukunin mo kasi iba iba yung tunog nila. kung may oras at tiyaga ka para mamili talaga ng cymbals mula sa buong stock ng isang tindahan, punta ka na lang sa tms tapos hatawin mo lahat ng stagg na andun hanggang makuha mo yung set na gusto mo. makakakuha ka talaga ng maganda ang tunog para sa swabeng presyo, kailangan lang masipag ka.
tapos syempre, andiyan din ang philmusic classifieds. maraming crash dun ngayon, at may ilang ride din na available. hats medyo tiyempuhan e, mabilis kasi mabili.
ang suggestion ko, tignan mo ano available dito sa philmusic, tapos kung ano yung di mahanap dito, hanap ka ng Stagg na pwedeng isama sa set. di naman kasi kailangan lahat parehong brand/series para maging bagay sa isa't isa e.
tsaka isa pa, pahirapan ang 18" crash ride kung yun lang ride mo... ikaw rin ang mabibitin dun (unless idol mo si steve gadd). mabuti nang kumuha ka ng 20"/21" na medium ride (para kaya pa rin icrash) tapos 16"/17" na crash.