DIY 4x12 speaker cab celestion... mas makakamura ba... or bumili nln ??
Masmakakamura ka syempre, lalo na may plywood ka na or makukunan na masmura. Hindi lang kasi makakamura ang tinitingnan mo dyan pati enhancement of ability to create, enhance and developed... self development ika nga, :cool:dyan umuunlad ang ibang bansa!
You can customize kahit anong designed gusto mo at color
Marine plywood gamitin mo para good quality. 1 inch okay na okay. 1/2 pwede gamitin pero lagyan mo lang ng support yong mga gilid kahit dos pordos at pakuan. para hindi lumangitngit sa speaker at gumalaw.
tapos dapat may Jigsaw ka para pambutas mo sa paglalagyan(bilog) na 4 na speaker. Kong wala kang Jigsaw hanap kalang ng meron may jigsaw at pabutas ka mga P20-30 pesos lang.
Tapos the rest pwede na lagare. Kong gusto mo naman sobrang dali tapusin ay buy ka ng circular saw, saglit lang yan. Actualy lagare lang okay na para exercise narin tutal maliit lang naman na kahon yan saglit lang.
Buy ka lang ng hawakan sa raon metal or plastic pwede na. Tapos yong clip na nilalagay sa mga gilid ng kahon(cab) meron din sa raon yon, mura lang yon doon mismo sa mga nag babangketa sagilid ang dami, tawaran mo mahal pa iyon.
Tapos after nyan yong socket/connector/speaker kahit yong ordinary lang ala naman problema yon(mura lang) bastat maayos lang pagkakasulda mo, Lagyan mo ng type yong every solda ng wire para sure hindi magkadikit. Kasi yong malalaki like xlr connector may purpose yon pang outdoor para sa mga malalakas na speaker at malalaking wire at tight ang pagkakabit ng cable para kong magalaw man hindi madaling mabunot or nahila yong wire.
Butasan mo yong likod ng kahon gamit ang malaki laking pako or any sharp object na metal na pwede ibutas. Kong meron ka naman or alam sino may drill pabutasan mo saglit lang yan secondo lang. Tapos don mo ilusot yong plug may screw yan naiipit sa kahoy.
Tapos sa pakinisin mo yong gilid buy kalang ng makapal na liha tapos dikit mo sa kahoy using rugby at kaskas mo sa gilid ng cab.
so, sa coating buy kalang ng masilya or yong sa kotse kahit paghaluin mo yong dalawa na iyon or hindi at isa lang gagamitin mo pwede yong color abo lang yon lang 1 day or maghapon mo patutuyuin, masmaganda bilad mo sa araw. Tapos pag tuyo na lihain mo na, saglit na liha lang pwede na. Tapos kong gusto mo yong buddy eh flawless sa pintura pahiran mo lang ng masilya (isabay muna) gamit ka ng dalawang piraso ng metal smooth object like yero para mangpahid mo para pantay. Pag natuyo kahit anong kulay gusto mo pwede. Kong may compressor spray ka makinis din maganda kong wala pwede na yong brush sa pintura basta wag masyadong malabnaw yong pintura.
Kong gusto mo naman may balot pwede rin nabibili lang sa apolstery yong pambalot at rugby ayos na yan.
so yong hatapan alam mo na siguro kong ano gagawin madali lang yan
. Mamili kana rin sa apolster yong ano tela sa pangharapan na ilalagay mo marami dyan magaganda may makakapal at makikinis. Metal screen pwede rin pero mapapamahal kalang. tapos buy ka maliit at payat na kahot (maliit na dospordos na square na pahaba don mo ikakapit yong screen mo.
Almost tapos na
yan speaker nalang.... Enjoy
SA UNA PAG BINASA MO PARANG MAHIRAP, PERO HINDI YAN MAHIRAP PATIENCE LANG KONTI KONTI AT WAG KA MAGMADALI. PAG NAGAWA MO YAN ... yong mga susunod sobrang dali na sa iyo at madali mong tapusin.
Give time and chance to train yourself!