Sir Firemodel,
may tanong lang po ako
sabihin nating nagpunta ako dun sa lugar na may gitarang may "hiyaw" at na experience ko ang "hiyaw" na sinasabi, makakutulong po ba ito sa pag gigitara ko? agree ako na kung meron man neto ito ay isang ibang experience, but this will make me a better musician?
Maririnig din po ba ang "hiyaw" kung isasaksak mo yung gitara sa kahit anong amplifier?
kung sakali naman pong isa ako sa sa mga piling nilalang sa mundo na na may gitarang may "hiyaw" ma itratranslate ko po ba sa audience ko ito? ( asawa, nanay, o 10,000 tao sa loob ng isang malaking venue). Maririnig ba nila ang "hiyaw" neto kung idadagdag na natin tunog ng tambol, baho, keyboard, vocals at yung sigawan ng tao?
in short bakit kailangan malaman namin ang hiyaw? para di kami kamo madala ng commercialism? ikaw na rin kasi sir nagsabi na nasa maliit na porsyento lang ng ginawang gitara sa mundo ang meron neto, para kasi sa aming musikero, o nagsisimulang musikero o plain hobbyist na katulad ko, parang di na praktikal na hanapin pa eto. Dont get me wrong, kahit hobbyist lang po ako, gusto ko rin po ng mgandang tunog or tone, pero hanapin ang " magical " guitar na may hiyaw..mas maganda na lang po sigurong i spend ko yung time sa pag praktis at pag tugtog ng musika. Which most of us, hindi naman po lahat, ay iyon ang dahilan ng pagbili ng gitara. To play music
sa kwarto o sa harap ng 10,000 audience.
Walang disrespeto sa gearheads or mga taong bumibili ng gears, mamahalin o hindi para hanapin ang tone, personal satisfaction, hiyaw etc. It's your choice and i honestly respect that.
eto po ay isang honest question at akong intensyon na masama. Di ko na rin po ako guamit ng PM kasi sa personal kong opinyon, mas magandang masagot ito in a public forum.
Regards,
Bong