Lisensya ng drayber/may-ari ng pulang Ferrari na pumasok sa EDSA bus lane, sinuspindi ng LTO; sasakyan, naka-alarma na
SINUSPINDI na ng Land Transportation Office (LTO) sa loob ng 90 araw o tatlong buwan ang lisensya sa pagmamaneho ng may-ari o drayber ng “pulang Ferrari” na ilegal na pumasok sa EDSA bus lane na ekslusibo sa mga pampublikong bus, ambulansya, at sasakyan ng gobyerno na may emergency.
Sa resolusyon ng LTO Intelligence and Investigation Division (IID) na nilagdaan ni LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, pinapanagot ang drayber/sasakyan dahil sa administratibong kaso na Disregarding Traffic Sign.
Maliban sa suspensyon ng driver’s license, pinagmumulta rin ang drayber/may-ari ng pulang Ferrari.
Inatasan na rin ang Data Control Unit ng Law Enforcement Service (LES) ng LTO na i-alarma ang record ng pulang Ferrari F8 Tributo na may plakang NEM 8999. Mananatili ang alarma na ito hangga’t hindi nakukumpirma ang impormasyon sa kung sino ang drayber ng pulang Ferrari nang mangyari ang paglabag. Nangangahulugan din na hindi makakapag-renew ng rehistro ang may-ari ng sasakyan kung hindi pa sumisipot ang drayber para magpaliwanag sa pagpasok sa EDSA bus lane.
Binigyang-diin ni LTO Chief Guadiz na nabigyan ng due process ang drayber o may-ari ng sasakyan sa pamamagitan ng pagkakataong humarap sa IID upang depensahan ang sarili ngunit hindi ito sumipot.
“We cannot be blamed for swiftly issuing a resolution on this case because the violation warrants it. The bus lane was put up for the exclusive use of PUBs and other authorized vehicles and not for private vehicles, no matter the size, make and price tag. Despite the many signs placed declaring it to be as such, the driver blatantly disregarded those, as if showing that he/she is above the law, and we will not let that pass,” pahayag ni LTO Chief Guadiz.
#LTOPH🇵🇭
#LTOPhilippines
#DOTrLTO